CHAPTER THE SEVENTH

Waiting shed

In Mga pagsisiwalat nang aking pusong nagsisimula on Enero 23, 2015 at 12:59 umaga

image

Day 23

Pasado alas dose ng tanghali na ako umalis ng bahay. Ayoko naman kasi dumating sa Boni nang sobrang aga. Kaya medyo ina-adjust ko na ang oras nang mga biyahe ko.

Traffic papuntang Cubao. Yung biyahe na normally ay inaabot lang nang limang minuto ay inabot nang mahigit 15 minutes. Sobrang init pa kaya dagdag stress. Miski nakasakay na ako nang FX ay ramdam ko parin yung init! January pa lang! Paano na kaya kapag Summer na?

Dirediretso na ako pag dating ko sa MRT! Hindi na ako pumila pa sa bilihan ng ticket. Nakabili na nga kasi ako nang Stored Value Card. Yung siksikan na lang sa loob ng tren ang tiniis ko. Pero, kaya naman!

Pagdating ng Boni, meron pa akong mahigit kalahating oras para makarating sa aking destinasyon. Kaya binagalan ko na ang aking paglalakad. Bumili muna ako nang Clorets duon sa matandang babae na may puwesto pagbaba ng MRT. Tapos tumingin tingin muna ako sa mga binebentang cellphone case, hikaw na may malaking pakaw, makukulay na payong, at screen protector na libre ang paglagay.

Pagtawid ko ay umupo muna ako saglit sa waiting shed. Nagpahinga saglit. Nag isip! Kinausap ko ang aking sarili! Kaya ko pa ba? Oo! Kayang kaya pa! Ito ang gusto ko! Dapat kong tibayan ang aking dibdib! Ang lahat nang ito ay pawang mga hakbang patungo sa pagbabalik nang kung ano ang dati!

Page 221

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s