CHAPTER THE SEVENTH

Biyaya

In Mga pasasalamat nang aking pusong nagagalak on Enero 24, 2015 at 3:57 hapon

image

Day 24

Hindi ko na talaga alam kung sa anong paraan pa ako puwede magpasalamat sa Panginoon sa patuloy na pagdating nang kanyang mga biyaya! Sa kabila nang aking mga pagkukulang at pagkakamali ay hindi parin Niya ako pinapabayaan.

Simula nang unang araw nang taong ito ay halos sunod sunod na ang natatanggap kong grasya mula sa Kanya! At nag simula lang naman din ang lahat sa isang taimtim na panalangin!

Marahil ay nakita nang Diyos ang sinseridad nang aking puso. Marahil ay nauunawaan niya ang aking tunay na pangangailangan. Marahil ay naramdaman niya ang aking paghahangad na maisaayos ang aking buhay!

Buong linggo akong nag aalala sa estado nang aking pananalapi. Iyong nakalaan kong pera ay nabawasan dahil sa isang matinding pagkakamali. Inihanda ko naman ang aking sarili sa posibilidad nang paghihigpit nang sinturon. Handa akong magtipid. Ngunit may mga gastusin talagang hindi maiiwasan.

Imbes na sumuko at tuluyang malunod sa takot ay nagdesisyon akong magtiwala. Iniwasan kong magduda. Kinausap ko ang Diyos at isinuko ang lahat sa Kanya!

Kahapon, sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla kong naisipang inspeksyunin ang talaan nang pinagmumulan nang aking kabuhayan. Laking gulat ko nang bumungad sa akin ang mga numero! Nadagdagan ang pera kong itinabi! Matapos kong balikan at pag aralan muli ang mga datos na aking hawak ay aking napagtanto kung saan nag mula ang perang dumagdag.

Ang dumagdag na salapi ay kabayaran sa isang serbisyong akala ko ay nakalimutan na! Salaping hindi ko na inasahan na mapapasaakin pa. Salaping makakatulong nang malaki sa pag hahangad kong mabalikan kung ano ang dati! Salaping biyaya nang Panginoon!

Kanina, bago ko simulan ang aking araw, ay bumalik ako muli sa lugar kung saan nagsimula ang lahat. Nagtungo ako sa Monasterio de Sta Clara. Humingi nang tawad. Nanalangin. Nagpasalamat.

Page 222

  1. Wow! Very heartwarming! Thanks sa post mo.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s