CHAPTER THE SEVENTH

Red Horse

In Mga mala xerex na kwento nang aking pusong taginit on Enero 25, 2015 at 9:54 umaga

image

Day 25

Sa wakas ay naganap din! Matagal na naming binabalak na makapaginuman na magkasama ni Nympha pero hindi naman matuloy tuloy! But finally, dumating na nga yung pagkakataon kaninang madaling araw!

Isa ako sa mga huling customer ni Nympha kahapon ng gabi. Nagpagupit ako at nagpakulay ng buhok. Natapos ako nang pasado alas onse na. May dalawa pang customers si Nympha after me. Parehong nagpakulay din.

After kong magupitan at makulayan, nagpaalam ako kay Nympha na uuwi saglit para makapagbabad ng mga labada. I promised to be back after a few minutes. Malapit lang din naman kasi yung Salon sa bahay.

I know that hindi na gaano umaasa si Nympha na babalik pa ako. Madalas kasi akong nangangako na babalik para sa inuman session pero lagi naman din akong hindi nakakabalik. So, after ko magbabad nang mga damit at pantalon na lalabhan ay dali dali na akong bumalik nang Salon.

Naabutan kong mag isa na sa Salon si Nympha pagbalik ko. Wala na yung dalawang babaeng customers. Nagkuwenta muna siya nang kinita sa buong araw. Hindi ko muna siya inistorbo. Tuwang tuwa siya kasi malaki daw ang kita ng Salon that day! Gusto daw niyang makapag ipon! Gusto daw niyang pumunta nang Baguio sa Holy Week!

After niyang maisaayos ang kinita nang Salon ay lumabas na kami para bumili nang inumin. Ang balak kasi ay sa Salon na kami mag iinuman. Pumunta kami sa 7 11 at bumili nang dalawang Red Horse Beer! Bumili din kami nang Chicharon, Kropek, Oishi, at Boy Bawang para sa pulutan. Hindi rin siyempre nakalimutan ang tube ice! We were back at the Salon in less than 20 minutes.

Sa labas na kami nang Salon pumuwesto. Naglagay lang kami nang mga upuan. Inihanda ko na kaagad yung beer at chicharon habang nag pe-prepare nang baso so Nympha. Then we suddenly realized na wala kaming bottle cap opener. Nag try pang lang hiram Di Nympha sa katapat na Car Wash pero luhaan siya. Ako na lang ang naghanap. Umuwi muna ako saglit sa bahay. Buti na lang meron kami.

Agad din naman akong bumalik after ko makahanap nang pangbukas! Soon after I came back ay nasimulan din sa wakas ang inuman. First time ko ulit uminom nang Red Horse after a very long time. Mas sanay na kasi ako sa hard drinks! Masaya naman kainuman si Nympha. May mga sense yung mga kuwento niya. Nakakatuwa.

Paubos na yung unang bote namin ng Red Horse nang may napansin kaming isang bagets na naka bisikleta. Pabalik balik siya. After nang ilang ikot ay finally tumigil siya sa may harap namin. Naka ngiti. Nagtanong. Hinahanap daw niya yung bahay ng kaibigan niya. Christopher Domingo daw ang name. Hindi daw niya alam ang eksaktong address. SaveMore lang daw ang landmark na natatandaan niya. Dilaw daw yung kulay nang gate ng bahay. Hindi rin daw niya dala cellphone niya kaya hindi niya ma-contact! Robin daw ang name niya. 17 years old. Galing pa daw siyang Provident sa Marikina.

Page 223

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s