CHAPTER THE SEVENTH

Sana

In Mga kuwento nang aking pusong nag sisenti on Enero 26, 2015 at 2:33 umaga

image

Day 26

Nag mirienda ako nang barbecue kanina duon sa bagong bukas na tindahan nang ihaw ihaw na malapit sa bahay. Umorder ako nang limang stick nang laman, limang stick nang isaw bilog, tatlong stick nang dugo, at isang stick nang hotdog. Para naman sa panulak, dalawang baso nang palamig!

Nakasabay kong kumain ang mga batang ito. Nagpaluto sila nang tag iisang stick nang dugo. Yung isa, walang pambili. Naki amot lang. Binigyan naman siya nang kanyang mga kaibigan. Pinagmasdan ko sila habang kumakain. Ang sasaya nila. Panay ang biruan. Walang tigil ang buskahan. Kaliwat kanan ang lokohan. Napangiti ako.

Minsan, naiisip ko na sana ay maging bata na lang ulit ako. Gusto ko sana na bumalik sa panahon na wala pa akong masyadong obligasyon sa buhay. Yun bang hindi ko masyadong pinoproblema pa kung ano ang kakainin ko pagdating nang oras nang kainan. Yung walang iniisip na bill nang kuryente, tubig, telepono, at WiFi. Yung panahon na malaki pa ang tiwala ko sa tao. Yung panahon na ang tingin ko sa lahat nang aking kapwa ay kaibigan.

Pero, sa tuwing dumarating ako sa panahong nag hahangad akong maging bata muli, hindi ko maiwasang hindi rin maalala ang isang kabanatang naging bangungot nang aking buhay. Isang parte nang buhay ko na gusto ko na sanang ibaon sa limot. Isang bahagi nang buhay ko na tila isang anino na parati akong sinusundan.

Sana, makalimot na ako. Sana, matapos na ang lahat. Sana, tumahimik na ang aking isip. Sana, matuto na akong magpatawad. Sana.

Page 224

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s