CHAPTER THE SEVENTH

Gusto kita patawarin

In Mga batikos nang aking pusong nag aalab on Enero 28, 2015 at 2:40 umaga

image

Day 28

Gusto kita patawarin, pero hindi ko kaya! Hindi ko kaya sapagkat araw araw ay naaalala ko kung paano mo sinira ang aking pagkabata! Naaalala ko kung paano mo ipinagkait sa akin ang aking kasiyahan! Pilitin ko mang makalimot ay hindi ko magawa! Araw araw ay bumabalik sa aking kamalayan kung paano mo paulit ulit na binuo sa mura kong isipan na walang kuwenta ang aking buhay, na wala akong patutunguhan, na hindi ako kasing buti nang taong mas pabor sa iyo!

Gusto kita patawarin, pero hindi ko kaya! Hindi ko kaya sapagkat araw araw, miski ilang taon na ang lumipas, ay ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit nang bawat hampas mo sa aking murang katawan! Ramdam na ramdam ko parin ang kirot nang bawat kalmot mo sa aking mukha. Ramdam na ramdam ko parin ang sakit nang bawat pag untog mo nang aking ulo sa pader! Ramdam ko ang bawat sampal! Ramdam ko ang bawat sugat!

Gusto kita patawarin, pero hindi ko kaya! Hindi ko kaya sapagkat hindi mo ako tinirhan nang kahihiyan! Gamit ang isip at bibig mong makasalanan ay sinira mo ang aking pagkatao sa harap nang aking kapwa! Siniraan mo ako sa aking mga kaibigan! Pati mismo sa aking mga mahal sa buhay! Ipinahiya mo ako! Hinamak! Inalipusta! Tinuring na parang basura!

Gusto kita patawarin, pero hindi ko kaya! Hindi ko kaya sapagkat inagaw mo ang para sana ay sa akin! Kinuha mo ang hindi sa iyo! Kinamkam mo pati yung kakarampot na mayroon ako! Dahil sa iyong kasakiman, kailangan kong maghirap! Kailangan kong mag isa! Nagtiis ako! Tiniis ko ang buhay na walang wala! Tiniis ko ang buhay na walang karamay! Nagtiis ako! At magpa hanggang sa ngayon ay nagtitiis parin!

Gusto kita patawarin, pero hindi ko kaya! Hindi ko kaya sapagkat napakagaling mong mag banal banalan! Panay pa ang lingkod mo kunyari sa simbahan pero taliwas naman sa inaaral mo ang tunay mong pagkatao! Magaling kang mangloko at mang mani-obra nang kapwa! Magaling kang manira, magmura, at magsinungaling! Madamot ka! Mapagmalaki! Mayabang!

Gusto kita patawarin, pero hindi ko kaya! Hindi ko kaya sapagkat nang dahil sa iyo, takot ako sa tao! Takot akong mabuhay! Takot akong lumaban! Takot akong igiit ang para sa akin! Takot akong mag simula! Takot akong gawin ang tama! Takot akong magsalita! Takot akong mangarap! Takot akong magtiwala!

Marami kang sinirang buhay! Maliban pa sa akin. Nakapagtataka lang kung bakit hanggang ngayon ay tila diyos parin ang tingin mo sa iyong sarili. Bakit nga ba namamayagpag parin ang isang katulad mo? Nasaan ang hustisya? Nasaan ang katarungan? Nasaan ang karma? Matagal na panahon ka nang naghahasik nang kapahamakan! Matagal na panahon na rin akong naghihirap! Gusto kita patawarin, pero hindi ko kaya!

Page 226

  1. Kasalanan ito ni PNoy!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s