CHAPTER THE SEVENTH

Hindi

In Mga katanungan nang aking pusong nagtataka on Enero 29, 2015 at 9:15 hapon

image

Day 29

Maaga ba ako nagising kanina? Nakakain ba ako nang agahan? May gana ba akong kumain? Maaraw ba today? Nakapag patuyo ba ako nang aking mga nilabhan? Maayos na ba ang aming WiFi? Kontento ba ako sa Data Promo nang Globe? Nagtatagal ba nang isang buong araw ang battery nang aking phone? Matibay ba yung nabili kong cellphone case na halagang tatlong daang piso?

Naabutan ko ba ang mga nag gagandahang kandidata nang Bb. Pilipinas sa Araneta Center? Makakapatay ba nang sunog ang dami nang tubig na nailalagay sa paper cup nang J.Co? Nakakalaglag panty ba sa sarap ang Heaven Berry? Bumili rin ba ako nang aklat ni Ginang Miriam na pinamagatang Stupid is Forever? Tapos ko na bang basahin ang The Strange case of Dr. Jekyll and Mr. Hyde?

Natutuwa ba ako sa ginagawang pag huhugas kamay ni Mang Simeon sa kaso nang mga napatay na Pulis sa Maguindanao? Naniniwala ba ako sa pag atungal ni Aling Dinky? Naka get over na ba ako sa pagkatalo ni Dyosa MJ Lastimosa sa Miss Universe? Dapat bang bigyang pugay sa husay si Tandang Stella Marquez de Araneta? Mukha bang mamahalin ang bagong korona na suot nang Reyna ni Ginoong Donald Trump?

Naging abala ba ako ngayong araw? Pagod na pagod ba ako? Gusto ko bang magtatalon sa sobrang kagalakan? Kontento na ba ako sa dami nang mga na download kong videos? Kailangan ko bang ipag alala ang palagiang pag sakit nang aking likod? Na mi-miss ko ba siya? Matino ba ang aking isip? Dito na ba nagtatapos ang isang damukal na katanungan ko sa buhay?

Page 227

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s