CHAPTER THE SEVENTH

Half Mast

In Mga sigaw nang aking pusong makabayan on Enero 30, 2015 at 3:41 hapon

image

Day 30

Pumunta ako sa Farmers kanina, bumili ako nang bagong slim armor para sa phone ko. Yung nabili ko kasi nuong Tuesday ay sira na agad! Maganda pa naman sana yun! Ang lakas maka Barako nung style! Bakit naman hindi eh worth 300 yun! Mahal! Sayang! But anyway, meron na akong bago. Masaya na ulit ako. Black and white ang kulay. Halagang 250 lang. Mukha naman siyang matibay. Sana lang ay magtagal!

After ko makabili nang slim armor ay nag lunch muna ako sa Jollibee. Yung branch nila sa may Bridgeway. As expected, naging very happy diner naman ako! Maraming tao at super busy ang mga crew pero napag silbihan naman ang lahat! Hindi naging issue sa akin yung “to follow” na Macaroni Soup ko kasi hindi naman siya umabot nang napaka tagal! After eating, lumapit ako sa counter para humingi ng tubig. Mismong Manager pa ang nag asikaso sa akin! Very Outstanding talaga ang service nila! That’s why I love Jollibee!

Dumaan ako nang Gateway after ko kumain nang lunch. Napatambay ako saglit kasi may bago silang exhibit! Naanduon ang Tu Es Petrus – Tour of Papal Relics! Tumingin tingin ako, nagmatyag, at nagbasa. Hindi ko rin siyempre kinalimutang kumuha nang mga larawan! Ang dami na palang naging Santo Papa! Iba’t iba pala ang uri nang mga relics! Amazing!

Gusto ko pa sanang magtagal pa sa Gateway pero naalala ko na may mahalaga pala akong dapat gawin! Kailangan kong makabalik sa Project 4 agad agad! Kaya hindi na ako nagpa tumpik tumpik pa, naglakad na ako papuntang Ali Mall kung saan naman ako sasakay pauwi. Tiyempong rutang Kalantiaw pala yung nasakyan kong jeep kaya napalapit ako sa aking destinasyon! Pagdating sa may Palengke nang Project 4 ay bumaba na ako. Dumiretso ako sa Police Station. Kailangan kong makuhanan nang larawan ang bandila na naka half mast. Bilang pag gunita sa National Day of Mourning. Ako ay nakiki isa sa Sambayanang Pilipino! Nakikiramay po ako. Isang pag pugay at saludo sa 44 na SAF Commandos na nasawi sa Maguindanao.

Page 228

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s