CHAPTER THE SEVENTH

A True Story

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Enero 31, 2015 at 4:59 hapon

image

Day 31

Wala nanaman akong ganang kumain. Parang may hinahanap akong lasa nang pagkain na hindi ko maintindihan. Meron pang natitirang ulam na munggo muna kagabi pero ayoko naman nun! Meron din naman akong mabibilhan nang mga lutong ulam na malapit sa bahay. Maraming Karinderia sa paligid. Pero, parang iniisip ko pa lang ay utang uta na ako. Memorize ko na ang lasa nang Pochero, Menudo, Adobo, Dinuguan, Paksiw, Giniling, Nilaga, Tinola, at Igado nang Karinderia sa kanto.

Pasado alas dose na nang tanghali pero hindi ko parin talaga mawari kung ano ang gusto kong kainin. Alam kong gutom na ako. Kumakalam na kasi ang aking sikmura at medyo nakakaramdam na ako nang hilo. Pero wala talaga akong maisip na masarap kainin. Habang naghihintay nang inspirasyon ay tinapos ko munang basahin yung The Strange Case of Dr. Jekyll and Mr. Hyde.

Bandang ala una y medya na nang hapon nang sa wakas ay maisip ko na kung ano ba talaga ang hinahanap kong pagkain! Gusto ko nang Cheese Pancakes! Gusto ko 3 pieces! Gusto ko maraming butter and syrup! Gusto ko rin nang malamig na malamig na Iced Tea! Dali dali akong naligo at nagbihis! Bitbit ang librong 12 Years a Slave: A True Story, pumunta ako nang Pancake House sa Cubao para kumain!

Page 229

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s