CHAPTER THE SEVENTH

Candy Corner

In Mga awit nang aking pusong lubos na masaya on Pebrero 1, 2015 at 5:25 hapon

image

Day 32

Hindi na ako natuloy sa meet up sana namin nang mga Highschool Classmates ko sa Cavite. Dahil sa napaka laking gulo na nangyari this week, kailangan kong maging taong bahay. Nag alisan lahat nang mga nilalang dito. Kami lang ni Bet-Bet ang naiwan.

Since hindi naman ako makalarga nang malayo, nakuntento na lang ako sa pag iikot sa Cubao after Lunch. Gusto ko sana makunan nang larawan yung mga lumang Sinehan sa Aurora Boulevard for my photo of the day, pero nung nandun na ako ay medyo na dismaya ako kasi talaga palang dilapidated na ang mga antigong sinehang may double program! Hindi na ako natuloy sa pagkuha nang mga litrato!

Ending, sa Gateway na lang ako tumuloy. Dumiretso ako sa Food Court. Ang dami ko sanang gustong kainin pero tinatamad naman akong mag ikot at bumili. Umupo na lang muna ako sa may tapat ng Candy Corner. Nagpahinga ako saglit then tinext ko ang aking kaibigan na si Billy. Kinamusta ko sila ni Calixto. Happy parin ako sa adventures namin kagabi with Evan, Andrew, Julius, and Maui.

Anyway, after kong makipag palitan nang ilang text messages ay pinag masdan ko yung tindera nang Candy Corner. Abala siya sa pagbibilang ng benta sa isang gilid nung makulay na tindahan. Tinignan ko rin yung mga tinda niyang Candies! Mukhang masarap! May lumapit na isang nanay. Kasama niya yung dalawa niyang anak na babae. Bumili sila ng Chocolate Almonds. Pag alis nung mag iina, bumili rin ako nang Strawberry Kisses and Banana.

Umalis na ako after ko bumili nang  Candies. Pababa na sana ako ng escalator nang makita ko si Annie Ruth, yung anak nang dati kong Landlady. Naka tayo siya sa tapat ng tindahan ng mga electronics. Kasama rin niya ang asawa at anak niya. Nagkamustahan kami. Nasa Canada naman daw si Ferdinand, yung kuya niya. Maya maya pa ay dumating din si Manang Olive. Ang Ilokana kong Kahera.

Page 230

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s