CHAPTER THE SEVENTH

Buddies

In Mga awit nang aking pusong lubos na masaya on Pebrero 2, 2015 at 7:45 hapon

image

Day 33

Nitong nakaraang linggo ay tatlong mga matalik na kaibigan sa tatlong magkakaibang kumpanyang pinagtrabahuhan ko dati ang aking muling nakasama.

Huwebes ng madaling araw nang magtungo ako sa Malanday Marikina upang bisitahin si Miss Piper Ferrer. Nagkakilala kami ni Miss Piper nuong taong 2009 nang magtrabaho ako sa ICT Marikina. Huling pagkikita namin ay buwan pa ng Nobyembre nuong nakaraang taon! Kinailangan ko nang venue para sa isang salo salo at buong puso naman niya kaming tinanggap sa kanyang tahanan. Bukod sa walang habas naming kuwentuhan, ang isa pa sa naging highlight nang muli naming pagtatagpo ay àng pagkain namin ng Canton con Lechon and Meat and Mushroom Pizza sa Lyn’s Panciteria.

Nito namang nakaraang Sabado ay nagkita naman kami in Billy Nicolas. Nakilala ko si Billy nang magtrabaho naman ako sa Convergys nuong taong 2012. Magkaibigan na kami nang GMC Days pa. At mas nakilala ko siya ng husto  nang sabay kaming lumipat sa Amazon at naging magkateam. Huli kaming nagkasama ni Billy nuong Christmas Party nang 2013 pa. But we always get in touch either sa FB or sa Text. Highlight nang muli naming pagkikita ay ang jamming namin dito sa Project 4 with Julius, Andrew, Evan, Maui, and Calixto!

Kahapon naman, Linggo nang gabi, ay nagkita kami ni Red Francisco. Nagkakilala kami ni Red nuong taong 2011. Wavemates kami sa Amex sa Hinduja Global Solutions. Pareho kami sa iilang pinalad na pumasa sa mala Board Exams nilang hirap na CCT at PST. However, after training ay napunta kami sa magkaibang teams. But we remained friends. Nagpatuloy din naman ang pagkakaibigan even after I left the company. Highlights nang aming muling pagkikita ay ang inuman session sa Escobar sa Cubao Shoe Expo, ang pagbili at paghigop nang Krushers sa KFC with Jovit on the side, and ang walking tour namin sa Malvar.

Naisip ko lang na ikuwento ang mga iyan dahil sa tagpong ito na nakunan ko kaninang lunch sa Buddy’s Pancit Lucban. This is just one of the many photos na kinunan ko of the place. Natuwa naman ako sa eksenang ito. Gusto ko, miski tumanda na ako ay may mga kaibigan parin akong makaka sama, makaka kuwentuhan, makaka kulitan, makaka diskusyunan, at makaka panatagan ng loob! Tulad nila.

Page 231

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s