CHAPTER THE SEVENTH

Prutas

In Mga samut saring chika nang aking pusong naglilista on Pebrero 3, 2015 at 5:34 hapon

image

Day 34

Tanghali na kanina pero nakahiga parin ako sa aking kama. Relax relax lang. Tinatamad akong bumangon. Hawak ko lang ang aking cellphone at nagbabasa nang mga balita sa aking News Feed! Nahindik ako sa mga balita nang ABS-CBN and GMA! Dahil daw sa nasaktan ang damdamin sa pagbatikos sa kapatid niyang si Benigno Simeon kaugnay sa isyu nang Fallen44, in-unfriend daw ni Aling Kris Aquino sina Mr. Ogie Alcacid, Miss Regine Velasquez, at Miss Judy Ann Santos! Grabe! Ang tindi ha! Walang habas! Ilang taon na nga ba yang ina nila Joshua at Bimby?

Bandang alas dose y medya nang tanghali ay nag text ang sister ko. Nagyayaya na kumain sa labas. Magkita daw kami sa Gateway Mall. I texted back saying that I would meet her up there pero baka matagalan ako kasi maliligo pa ako. Pumayag naman siya. Another reason kaya nag abiso na akong matatagalan ay sapagkat mag cha-charge din ako nang phone. Nasa 15% na lang kasi battery ko eh. Of course hindi ko na sinabi yung pangalawa kong dahilan.

Sumakay na ako nang FX malapit sa Labor Hospital papuntang Cubao. Bukod sa mas malapit ang ruta nang FX kesa sa jeep, mas komportable din siya siyempre lalo na kung mainit at trapik! Umupo ako sa may Driver side. May nakatabi akong bagets na estudyante. Dirediretso naman ang takbo namin pero nag init naman ang ulo nang Driver namin kasi may panay ang overtake sa kanyang FX din. Sinulsulan pa nung katabi ko si Manong. Nagbitaw tuloy nang pagbabanta si Kuya na: “Huwag niya akong piliting maging kriminal!” Halos mapa palakpak ako sa award winning niyang dialog!

Hindi na ako nagsalita pa nang imbes na lumiko pakanan papuntang Farmer’s Market ay dumiretso sa EDSA at tila kakaliwa pa papuntang Sta Mesa si Manong Driver. Ayoko siyang maging kriminal! So naglakas loob na lang akong bumaba sa gitna nang Highway at nakipagpatintero sa mga bus hanggang sa maka abot sa may gilid nang kalsada.

Dirediretso na akong nag lakad sa gilid nang Farmer’s papuntang Gateway. Huminto ako saglit sa tapat nang tindahan nang mga prutas. Parang gusto ko bumili nang fresh fruits pero hassle naman kung pupunta ako nang mall na may mga bitbit! Gusto ko sana mag fruit diet kasi nakakaramdam nanaman ako nang pagkahilo lately. Kahapon nga lang ay sobrang sakit talaga nang ulo ko. Masakit din ang aking batok. Ramdam ko na mataas nanaman ang aking BP! Tamang tama sana sa akin ang Pinya! Fresh Pineapple! Gusto ko rin sana nang pakwan, melon, at saging!
 
Sa Pho Hoa kami kumain nang aking sister. I had Beef Noodles while she had Vietnam’s version of fried rice, barbeque, and lumpia! Buti na lang at hindi ako nag crave nang rice! Happy ako sa noodles ko, lalo na dahil medyo may kalakihan talaga ang serving nila! Sa sobrang dami, hindi ko na nga kinaya yung isang order nang mala plangganang Beef Noodle Soup nila eh! I had to share it pa with my sister para lang maubos! Over lunch we talked about gatas tigre, pancit canton, MJ Lastimosa, the Aquinos, Fallen44, and her budding lovelife!

After our meal, dumaan muna kami saglit sa Mary Grace para i-follow up yung order na Sansrival na for pick up later tonight. Then nuong ma confirm na okay at wala nang problema, diretso taxi na kami pauwi. Pagdating dito sa bahay, nag wrap muna kami nang gift while talking about Lilia Cuntapay! Napabalita daw kasi na may umatakeng baliw na lalaki sa matanda while on a show sa Cotabato! Kawawa naman si Madame Lilia!

Page 232

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s