CHAPTER THE SEVENTH

Angel’s Burger

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Pebrero 4, 2015 at 4:36 hapon

image

Day 35

Bigla akong nag crave nang Cheeseburgers kaninang madaling araw! Gusto ko yung sa Angel’s! Ayoko nang Cheeseburgers sa McDonald’s! After kasi nang very bad experience ko duon ay sumumpa akong hinding hindi na talaga kailanman kakain pa sa miski anong branch nang McDonald’s! Tapos, malayo naman masyado ang Jollibee! Ang pinaka malapit na Jollibee mula sa bahay ay sa Cubao pa! Kaya naman Angel’s Burger lang talaga ang gusto ko! Mura lang din talaga kasi duon. Buy 1 take 1 pa. Atsaka medyo masarap din naman kung tutuusin. Lalo na para sa mga taong gutom na gutom! Hindi bale nang puro hangin ang tinapay, kasing nipis nang balat ng ponkan ang burger patties, at gawa sa gawgaw na may pampaasim at food coloring na bright red ang ketsup! Deadma na! Basta gusto ko nang Angel’s Burger!

Kaya naman, hindi na talaga ako nag papigil pa! After kong siguraduhing safe ang bahay at walang naiwang nakasaksak sa kuryente na puwedeng pag simulan nang sunog, lumarga na ako papuntang palengke! Meron kasi duong tindahan nang Angel’s Burger! On the way, pinapanalangin ko na sana ay gising naman kung sino mang nagtitinda duon at sana ay nasa tamang huwisyo siya!

Suwerte naman ako! Pagdating ko sa Angel’s Burger ay may naabutan akong bumibili! Isang babaeng buntis na may karga kargang puting Shihtzu! May kasama pa siyang isang babae na may pagka healthy ang katawan. Walang humpay silang nagkukuwentuhan. Abala yung tomboy na nag titinda sa pagluto nang order nung dalawang naunang customers. Ilang saglit lang ay naluto na at nai abot duon sa dalawa yung order nila. Agad din naman silang umalis.

Maya maya naman ay dumating ang binatang ito. Nakapagpaluto na pala siya kanina pa at dinaanan na lang niya yung inorder niya! After umalis nang bagets ay ako naman ang umorder! Nagpaluto ako nang isang order nang Buy 1 take 1 na Cheeseburger! Mukhang nasa mood naman yung Tinderong Tomboy. Maayos naman niyang hinanda yung pagkain ko. Wala pang ilang saglit ay ready na ang aking food. Sa tindahan na ako kumain. At dahil walang Pepsi or RC man lang, nag Mountain Dew na lang ako for my drinks! In less than 10 minutes, solb na ako! Na satisfy na ang aking cravings!

After eating, dumiretso ako sa Metrolane. Mag wi-withdraw sana ako pero offline ang ATM sa BDO. Tumuloy na ako sa Cubao. Pero lahat din nang BDO ay offline! Nag try ako sa ibang Banko pero unable to process! Transact with own bank daw! Hassle! Umuwi akong luhaan!

Page 233

  1. Daniel Yuson!!! Just to let you know , I am reading your blogs…Mommy Dettie

  2. Favorite post . ( dahil kay kuya 😊😊 ) everyday ako nag reread ng story mo sir . God Bless you more 😊😊😊

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s