CHAPTER THE SEVENTH

Tropang Trumpo

In Mga salaysay nang aking pusong nag babalik tanaw on Pebrero 5, 2015 at 4:17 hapon

image

Day 36

May Nilagang Baka sa bahay pero lumabas parin ako kanina para maghanap nang makakain. Ang totoo niyan, gusto ko naman talaga yung ulam. Pero dahil lipas na ang oras nang pananghalian ay hindi na masyadong mainit yung sabaw nang Nilaga! Kung tutuusin, puwede ko naman din talaga initin yung ulam pero pinili kong hindi gawin para may excuse ako sa aking sarili na lumabas nang bahay.

On my way sa kinakainan kong Karinderia, nakita ko ang dalawang magkaibigang ito na nag lalaro nang Trumpo! Nagpapagalingan sila. Nagpapatagalan nang ikot ng kanilang laruan. Sabi nung batang nakatayo, mas patok daw yung trumpo niya kasi nanalo na daw yun sa pustahan nuong nakaraang Sabado. Ilalaban din daw niya yung laruan niya sa pustahan sabi naman nung isang batang naka upo. Natuwa naman ako sa dalawang batang ito! Sa panahon ngayon, bihira na talaga kasi akong makakita nang mga batang naglalaro pa nang Trumpo.

Tulad nang pag papaikot nang Yoyo at pagpapalipad nang Saranggola, isa ang paglalaro nang Trumpo sa mga bagay na gustong gusto ko pero hindi ko talaga natutunang gawin! Infact, nuong bata pa ako, naaalala ko na bumili pa talaga ako nang Trumpo sa Palengke at nagpaturo pa ako sa aking mga claasamtes kung paano ito gamitin. Ilang araw din akong nag try pero hindi ko talaga ito mapaikot! Halos nagka paltos paltos na nga ang mga kamay ko eh. At ilang ulit din na imbes na sa lupa ay sa paa ko pa nag landing yung Trumpo. After a few more attempts, kalaunan ay umayaw na rin ako. Tinanggap ko na sa aking sarili na ang paglalaro ng Trumpo ay hindi para sa akin!

Page 234

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s