CHAPTER THE SEVENTH

Brgy Bagumbuhay

In Mga samut saring chika nang aking pusong naglilista on Pebrero 6, 2015 at 4:34 hapon

image

Day 37

After ng Bandila sa Channel 2 kaninang madaling araw, lumabas ako nang bahay at nag lakad papunta sa Metrolane. Nag withdraw ulit ako nang salapi. Budget ko over the weekend. Bahagya akong nahintakutan at napakanta nang Heal our Land mala Jamie Rivera na may timbre sa huling nota nang tumambad sa aking mga mata ang natitirang kayamanan sa aking ATM. Unti unti nang nababawasan ang aking limpak limpak na pera! Hindi na ako masyadong mayaman! Puro palabas na kasi ang aking kuwalta. Wala namang pumapasok!

Dahil sa kasalukuyang kahindikhindik na kalagayan nang aking pananalapi, kaunti lang ang aking inilabas na kuwalta! Sapat lang na pang gastos mula ngayong araw hanggang sa Lunes. Sapat lang para ako ay makakain nang tama at sapat! Hindi muna ako makakapag malabis! Wala munang barbeque worth 96 pesos everyday before dinner. Wala munang midnight snack na pang dalawang haragang barako. Wala munang kawanggawa para sa kinabukasan ng mga kabataang pag asa nang ating Inang Bayan. Wala munang gastos na hindi planado at hindi nararapat! Tipid tipid muna! Iwas muna sa malalang gastos habang ako ay pansamantalang nagdarahop!

Anyway, mula sa Metrolane ay dumiretso ako sa Cubao – nang naglalakad! Balak ko sanang kumain nang Litsilog sa 13th Avenue, or nang Pares sa Retiro, or nang Magnum Almonds sa Mini Stop, or nang Ensaymada sa Pugon de Manila, or nang Burger with large Fries and Softdrinks sa Jollibee pero naalala ko na pulubi na pala muna ako kaya pilit kong tinanggal sa aking isip ang pagnanasang sumagpang nang ano mang makakain.

Naghanap na lang ako nang interesanteng subjects para sa aking Project 365. Hinanap ko yung pala ngiting Ale na nakita ko kahapon na nangangalakal nang plastic cups pero hindi ko na siya makita. Hinanap ko yung Fishball Vendor na parating naka graveyard shift pero NCNS yata siya ngayon. Binalak kong kunan ng larawan yung mga babaeng amoy Johnson’s Baby Cologne na nag bebenta nang por kilong laman sa kalye pero hindi naman ako maka kuha nang magandang tiyempo. Bumili pa ako nang blue and green na Clorets para sana makunan nang picture yung sidewalk vendor pero madilim sa puwesto nila. Mahahalata naman ako kapag nag flash. Ending, napatambay na lang ako sa 7 11. Matagumpay ko namang nakunan nang istolenshat yung isang lalaking abala sa kanyang cellphone at tila may hinihintay.

Since I thought nakunan ko na ang aking Photo for Day 37, lumabas na rin ako agad sa 7 11. Naglakad na ulit ako pabalik sana dito sa Project 4. Habang nag lalakad, nag iisip na ako kung paano ko itatahi ang larawang aking nakunan sa nais kong ikuwento ngayon araw. Nagmatyag ako sa aking paligid. Marami akong nadaanang mga maligalig na Anino sa dilim! Dirediretso lang akong nag lakad papalayo. Hindi na ako naki usyoso pa! Maya maya lang ay may nakasalubong aking Police Patrol! Lagot! Bagansya! Buti na lang dumiretso na ako!

Imbes na dito agad sa bahay ay dinala ako nang aking bagong foot spa pero nang lilimahid nang mga paa sa Shammy’s Goto House. Makikiupo lang sana ako pero since memoryado na nga nang mga crew duon ang aking pangkaraniwang order, walang sabi sabi ay dinala na sa aking kinauupuan ang Double Goto with puso. Dinagdagan ko pa nang Tokwa and Pepsi para hindi ako mahalatang makikiupo lang talaga sana! Akala ko mapipigilan kong gumastos! Bagsak!

Anyway, in-enjoy ko na lang yung pagkain. At sa gitna nang bawat pagsubo nang mainit na goto ay nagkukuha ulit ako nang mga larawan. Nakunan ko nang magandang shot yung dalawang matandang lalaki na tahimik na kumakain sa isang sulok, yung magkaibigang lasing na kinukulit yung isang tindera, yung isang grupo nang nag gagwapuhan at mapormang mga lalaki na halata ang putok na putok na make up sa liwanag, yung isang barkada nang mga kabataan na panay ang lampungan, at yung Taxi Driver na naka pulang t shirt na panay ang sulyap sa akin at bakas ang tiger look sa mukha. Tumigil na ako sa kakakuha ng larawan. Inubos ko na lang ang aking pagkain.

Pagkatapos kong kumain at magbayad ay sumibat na ako. Masaya naman akong umalis sa Gotohan. Miski na napagastos, ay marami naman akong nakunang mga larawan. Marami akong mapagpipilian para sa Day 37! From Shammy’s, naglakad na lang ulit ako pauwi. Tutal malapit na rin lang naman! Bakit pa ba ako sasakay? Gastos lang yun! Pinanindigan ko muli ang aking pagtitipid. Pagtawid ko nang Aurora Blvd papuntang Hi Top, naabutan ko ang isang hilera nang mga dilaw na Tricycle na ito. Wala ang mga Drivers. Akala ko ay nag welga na kasi balak na silang palitan ng mga E Tricycles ni Herbert Bautista! Yun naman pala ay naanduon silang lahat sa may gilid nang paradahan. Naglalaro nang Basketball. Tinignan ko sila saglit. Nagkibit balikat. Tumalikod at umalis. Tahimik kong tinahak ang madilim ngunit pamilyar na kalsada nang Brgy Bagumbuhay!

Page 235

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s