CHAPTER THE SEVENTH

Half Full or Half Empty

In Mga pangarap nang aking pusong umaasa on Pebrero 7, 2015 at 2:52 hapon

image

Day 38

Ang totoo niyan, gusto ko na sana talagang makapag turo na ulit. Iyan ang ultimate dream ko! Iyan ang matagal ko nang inaasam. Iyan ang parati kong ipinagdarasal. At iyan ang gusto ko sana mangyari this year!

Medyo malabo lang kung sa Public School ako mag a-apply ngayon. Bukod sa may deadline ang pag pa-process nang application sa Public School, ay ang dami din kasing mga requirements na wala pa ako. Unang una, mukhang mahihirapan akong pag produce nang COE from RC kasi wala pa akong time na ayusin ang mga dapat kong ayusin duon! Kailangan ko pang makipagtuos sa kanila.

Isa rin sa mga humadalang sa akin ay ang aking mga papers sa PRC at ang aking Lisensiya! Simula kasi nuong pumasa ako sa Licensure Exams for Teachers ay hindi naman talaga ako naka kuha or nakapagpa renew man lang ng aking License. Sa tagal nang panahon na lumipas, I’m sure sobrang laki na nang penalty ko! I can’t afford it this time.

Tumingin tingin na rin ako online nang mga Job Opening for Highschool Teachers sa mga Pribadong Paaralan. Natuwa ako sapagkat ang dami namang naghahanap nang mga Guro this coming School Year. Pero, yung mga ibang Schools na talagang may pangalan ay may mga age requirement! Ang lungkot! Lampas na ang edad ko sa kailangan nila!

Medyo napa dalawang isip din ako nang makita ko ang compensation offer. Medyo may kababaan parin talaga! After all these years pala ay ganun pa rin ang salary nang mga Dakilang Guro! Hindi rin nalalayo sa mga Nurses! Ang lungkot. Kaya ko pa kaya ang ganung budget? Paano na kaya? Nakaka discourage tuloy. Pero gusto ko kasi talagang nag turo ulit eh! Ano ba yan?

Isa rin sa bumagabag sa akin ay ang asal nang mga kabataan ngayon. Kaya ko pa kaya silang intindihin? Maiiwasan ko bang maging tulad nang dati? Magiging huwaran ba ako? Kaya ko parin kayang panindigan ang pagiging tunay na Guro?

Anyway, mukhang ang dami talagang balakid at hadlang sa aking nais na maganap sa buhay. Nakakalungkot. Nakakatakot. Nakakabahala. Minsan, kapag nagiisip ako, pinanghihinaan na din talaga ako nang loob. Parang wala nang pagasa. Parang huli na ang lahat. Parang dead end na. Mas naging mahirap pa kasi mag isa akong nakikibaka! Wala naman akong mapagsabihan nang aking saluobin. Wala namang handang makinig. Wala namang handang tumulong! Pero, hindi ako susuko! Hindi ako aayaw! Kaya ko ito! May magandang plano sa akin ang Diyos! Tiwala lang!

Page 236

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s