CHAPTER THE SEVENTH

A Familiar Place

In Mga patutchada nang aking pusong naiimbiyerna on Pebrero 8, 2015 at 10:55 hapon

image

Day 39

More than nine hours akong nakatulog. Kaya naman I am very well rested. At miski gising na ay hindi rin ako kaagad bumangon at lumabas nang aking silid! Naramdaman ko kasi na naandito na sa bahay yung nilalang na nagdulot nang kamalasan sa buhay nang maraming inosenteng tao! Ayoko masira ang araw ko at ayoko nang BV!

Para hindi ko makaharap yung nilalang na Alipin nang Pera, ay may ilang oras din akong nagkulong sa loob ng aking kuwarto. Nagpaka abala na lang ako sa FB at Instagram. Pinag patuloy ko rin ang pagbabasa nang 12 Years a Slave. Then nuong naramdaman kong tila lumabas na nang bahay ang nilalang nang Kadiliman, agad na akong naligo, nag charge nang phone, bumaba sa kusina, nag init nang ulam at kumain nang tanghalian.

Siguro ay may magandang dahilan ang Diyos kung bakit sa kabila nang kontodong pag iwas ko ay nag pang-abot parin kami sa baba nang nilalang na siyang bukod tanging nararapat sa titulong Banal na Aso Santong Kabayo! Hindi na ako naka iwas pa nang sa gitna nang pagkain ko ay dumating siya. Pinagpatuloy ko lang ang aking pananghalian at nagpakita na lamang ako nang matapang na mukha. Hindi ako nagpatinag!

Tiyempong fully charged na rin naman ang aking phone nang matapos ako kumain nang lunch. Walang dalawang isip ay umalis ako kaagad dito sa bahay. Narinig ko kasi na bukas pa daw nang umaga balak umalis ang nilalang nang kapangyarihang itim kaya kailangan kong umiskiyerda! Muli, ako na lang ang umiwas. Ako na lang ang umintindi. Ako na lang ang lumayo.

Sa mga panahong tulad ngayon, alam kong handa akong damayan, pakinggan, aliwin at bigyan nang silong ni Miss Piper. Kaya naman pa Marikina ang aking naging ruta after ko lumabas nang bahay. Medyo natagalan lang ako sa paghihintay nang masasakyan sa kanto. Wala kasing dumadaan na FX biyaheng pa Marikina. Then nuong finally ay naka sakay na ako, naipit naman ako nang traffic sa may Riverbank.

Good vibes na ako nang makarating ako sa Bayan. Pagbaba ko sa may palengke, agad kong nilakad ang papuntang paradahan nang Tricycle. Naka angkas din naman ako kaagad. May ilang minuto rin akong kailangang maghintay sapagkat kailangan pang magpuno nung Tricycle na aking nasakyan. Okay lang yun! Hindi naman ako nagpaka stress pa. Kinuha ko na lang ang pagkakataon upang kumuha nang mga larawan.

Ilang minuto pa ay may dumating na babaeng naka suot nang kulay pink na shirt. May naka sukbit na kulay brown na bag sa kanyang balikat. Nag back ride siya. Then, makalipas naman ang ilang saglit, may dumating na isang lalaki na naka suot nang itim na Jersey. May bitbit siyang maraming supot nang mainit na tinapay. Umupo siya sa tabi ko. Hudyat na para umandar ang tricycle.

Naunang bumaba nang Tricycle yung lalaking may dala nang tinapay. Then ilang kanto lang ay yung babaeng naka pink naman. Sa Jocson Street naman ako bumaba. Then nilakad ko na lang mula sa kanto papuntang bahay ni Miss Piper. Good vibes na nang magkita kami. Kinuwento ko sa kanya ang dahilan kung bakit kailangan kong mag hanap nang refuge. As expected, naintindihan naman niya! I am very glad.

So, the whole afternoon ay nagpaka Good Vibes lang kami. Kumain kami nang mumurahing hot cake, mangga with unli bagoong na maanghang, sweet corn, and inihaw na leeg nang manok. Then nuod lang nang LUV U, The Buzz, TV Patrol Weekend, at Going Bulilit. During commercial break, pinagdidiskusyunan namin yung aming napanuod. Kahabaghabag ang kalagayan ni Jam Sebastian, MILF pala talaga ang naka sagupa nang Fallen44, naging biktima nang Love Scam yung isang friend in Miss Piper, at lumaking guwapo si CJ Novato.

While in Miss Piper’s place, nagkita rin pala kami ni Rich Ann Lou Bacani kaya dagdag Good Vibes din sa akin. Kamustahan kami then picture picture para may remembrance. Then after a very long time ay nakita ko din si Lawrence. Nagulat lang ako kasi ibang iba na ang hitsura niya. Parang may mali! Medyo nalungkot lang ako nang bahagya pero ganun talaga! Buhay niya iyon.

I decided na oras na para umuwi nang bahay when Wansapanataym was about to start. Miss Piper even asked me kung sure na daw ba ako. Baka daw kasi nandito pa yung nilalang na may dalang malas! I insisted to go. Gusto ko kasing nai-post na ang kuwentong ito.

Sa tapat nang RCM ako nag abang nang masasakyan. Naghintay kami nang FX na biyaheng Cubao – P Tuazon pero halos kalahating oras na ang lumipas ay wala parin. Ending, jeep na biyaheng Cubao – Aurora na lang ang sinakyan ko. Hindi naman ako nagsisi sapagkat maluwag naman yung jeep. Sa tabi ako nang driver umupo. Dirediretso din naman ang biyahe. Wala pang 15 minutes ay nasa JP Rizal na ako.

Nilakad ko lang mula Gasoline Station hanggang dito. Wala ang nilalang na siyang sumira sa buhay ko pagdating ko dito sa bahay. Suwerte! Pagkatapos kong maghilamos at maghugas nang paa ay pumasok na ako kaagad dito sa kuwarto. Tinipa ko ang kuwentong ito. Narinig kong dumating ang nilalang na magaspang ang asal. Ilang oras din siyang nagparuon at nagparito. Sa kasalukuyan, tila tahimik na sa paligid. Patay na ang mga ilaw. Lalabas ako mamaya para kumain.

Page 237

  1. ikaw na ang well rested! ages na yata nung last nagawa ko yan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s