CHAPTER THE SEVENTH

One hour

In Mga katanungan nang aking pusong nagtataka on Pebrero 9, 2015 at 5:09 hapon

image

Day 40

Tulad kahapon, naging sapat ang tulog ko kagabi. After ko i-post ang aking Day 39 entry ay nagbasa lang ako saglit nang dalawang chapters nang 12 Years a Slave. Hindi na ako lumabas para kumain pa. Tinamad at inantok na rin kasi ako.

Nagising ako nang pasado alas onse kaninang umaga. Hindi ako kaagad bumangon, lumabas, or bumaba. Narinig ko kasing naandito pa ang nilalang na may dalang matinding kamalasan. Nanatili akong nakahiga sa aking kama. Nag FB, nag Instagram, at nag YouTube na lang ako. Napabilib ako ni Charice sa “Let it go” niya sa ASAP20!

Nang marinig kong nag paalam na yung nilalang na baluktot ang pananaw sa kung ano ang makatao at hindi ay nagsimula na rin akong kumilos. Naligo, bumaba, kumain, at nanuod ako nang It’s Showtime! Umalis ako nang bahay after mag pasikat nuong tatlong contestant sa Kalokalike! Hindi ko na hinintay kung sino ang panalo kina Jessa, Pops, at Bitoy.

Dumiretso ako sa Cubao. Nasa FX pa lang ako ay ang bilis na nang takbo nang isip ko. Parang may dalawang boses na nag de-debate. Pinakinggan kong mabuti ang sinasabi nang bawat isa. Bumaba ako sa AliMall. Tumawid ako papuntang SM. Tumuloy ako sa Basement.

Nag rent ako nang computer. One hour. Ang plano ay: mag update nang resume, mag search nang mga job opening sa mga Private Schools, at mag apply online. Pinaupo ako sa Computer number 4. Ilang minuto akong nakatitig sa monitor. Hindi ko alam kung ano uunahin ko. Then suddenly I asked myself: “Kung talagang ready na akong bumalik sa pagiging Guro, ready na rin kaya ang isang matinong Paaralan na tumanggap nang isang tulad ko?” Bigla akong napa ngiti. Ang ending: nag edit na lang ako nang blog ko at nakipag chat saglit sa Facebook. Wala pang 30 minutes ay nag out na ako. Binayaran ko parin ang One hour.

Page 238

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s