CHAPTER THE SEVENTH

The Mysterious Man

In Mga istorya nang aking pusong kinilabutan on Pebrero 11, 2015 at 2:34 umaga

image

Day 42

Last week, muntik nang mabiktima yung Sister ko nang isang snatcher na naka angkas sa motorsiklo! Pauwi na siya galing sa pagbili nang barbecue malapit sa simbahan nang may isang lalaking naka motor ang pilit daw na gumigilid sa kanya sa sidewalk.

Nang makarating sa isang madilim na part nang street, bigla daw hinablot yung wallet na hawak hawak niya. Buti na lang din at mabilis ang naging reaction nang Sister ko! Imbes na maagaw nung lalaking naka motorsiklo ay nakabig niya pabalik sa kanya ang wallet niya!

Saglit pa daw na nagkatitigan sila nung lalaking naka motorsiklo bago nito pinaharurot ang sasakyan niya palayo! Laking pasalamat na din daw nang Sister ko dahil tiyempong may mga parating ding ibang tao kaya din siguro tumakbo na lang yung lalaking naka motorsiklo. Kung hindi, baka napagbalakan pa siya nang masama!

Halatang takot na takot ang Sister ko pagdating niya dito sa bahay. Miski ako man ay kinilabutan din sa kinuwento niya! Tinanong ko siya kung na aalala niya ang hitsura nuong lalaki or kung na plakahan niya yung motor. Parehong hindi ang kanyang naging sagot. Unang una, mag suot daw na maskara yung lalaki at madilim kaya hindi niya napansin ang plaka.

Dumiretso kami kaagad sa Baranggay Hall para mag report. Dahil gabi na, sarado na mismo ang Baranggay Hall. Pero may maliit na station sa gilid nang Basketball Court. Sinalaysay nang Sister ko ang nangyari. It turned out na second incident na yung sa kanya. Earlier daw pala ay may naging biktima narin. Babaeng din. Cellphone naman daw ang naagaw. Inalerto nung taga Baranggay ang lahat nang mga tanod! Nangako sila na magpapatrol sa paligid!

A few days after the incident with my Sister, niluoban naman daw yung bahay nang isa naming neighbor. Nawalan daw nang pera at mga gadgets! Mas lalo naman kaming natakot! Mukhang nagiging talamak na ang kriminalidad sa lugar namin! Grabe!

Kaninang tanghali, pagdating nang Sister ko galing sa trabaho, naikuwento niya sa akin na may napansin daw siyang isang lalaking tila nag mamasid masid sa labas tuwing gabi. Kahinahinala daw ang mga kilos. Hindi ko naman gaano binigyan nang pansin kaagad yung kuwento niya.

Finally, kaninang pasado alas dose, a few minutes after my Sister left for work, I went to my room to check kung fully charged na ang aking phone. I noticed na may na receive akong text from my Sister. I was surprised nang mabasa ko ang message niya! Nasa baba daw ulit yung lalaking napansin niyang umaaligid simula pa kahapon nang gabi!

I don’t know what got into my mind pero imbes na matakot ay tinanggal ko sa charger ang phone ko, binitbit ko ito, at kumuha ako nang flashlight! Then dali dali akong lumabas nang bahay at bumaba sa may kalsada. Wala pang ilang saglit ay nakita ko nga ang lalaking binanggit nang Sister ko! Napansin kong tila nag mamasid masid nga ito. Kahinahinala ang mga kinikilos niya! Nang makakuha nang tiyempo ay kinunan ko siya nang larawan.

Hindi ako kaagad pumasok sa bahay! Gusto kong malaman kung sino ang kahinahinalang lalaking ito! Bago siya sa aking paningin. Hindi siya taga sa amin! Ngayon ko lang siya nakita! Ilang saglit pa ay napansin kong muli siyang nagmasid masid sa paligid. Maya maya pa ay pumunta siya sa isang madilim na bahagi nang street. Then napansin kong umangkas siya sa isang bike. Nagsimula na siyang mag pedal. Ang direksyon nang andar niya ay papunta sa akin. Kinabahan ako. Papalapit na siya nang papalapit. Then suddenly, nuong nasa harap ko na siya, bigla siyang bumati nang magandang gabi. Saka ko napansin ang nakasukbit niyang flashlight at radyo! Napansin ko rin na may suot siyang ID. Baranggay Tanod pala siya!

Page 240

  1. kailangan talaga mag ingat sa panahon na ito

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s