CHAPTER THE SEVENTH

Plan B

In Mga pagsisiwalat nang aking pusong nagsisimula on Pebrero 15, 2015 at 5:37 hapon

image

Day 46

Medyo naging tensyonado para sa akin ang mga nakaraang araw! May mga ginawang desisyon ang silang may kakayanan na hindi gaanong pabor sa akin! Wala naman akong magawa! Nag iisa lang ako. Wala akong kakampi. Wala naman din akong masabi! Ang opinyon ko ay walang bigat. Walang makikinig!

Pinilit kong tignan ang mabuti sa sitwasyon. Inihanda ko na ang aking sarili sa kung ano man ang mangyayari bunga ng mga hakbang na ginawa nang ilan. Meron naman akong mga plano. Hindi ko naman hahayaan ang sarili ko na maging kawawa. Magsisikap ako. Mabubuhay ako. Ipapakita kong nagkamali sila!

Sa kasalukuyan, nakatuon ang aking paningin sa magiging resulta nung mga ginawa kong hakbang nuong nakaraang linggo. Kung maging positibo man ang mga susunod na mangyayari sa mga susunod na araw, magiging masaya ako! Pero kung hindi naaman, babangon na lang ako ulit, tatahak nang bagong ruta, at patuloy na lalaban at mabubuhay!

Pansamantalang humupa ang tensiyon ngayon hapon.  Nakahinga naman ako nang medyo maluwag! Marahil ay hindi sangayon ang daigdig sa makasariling hangarin nang ilan, kaya kung ano man ang nakaraan ay siya parin muna ang kasalukuyan. Masaya naman ako.

Dahil sa tuwa, ginanahan akong manginain. Naghanap ang panlasa ko nang matamis. Nag punta ako sa palengke. Hindi ako pinalad. Sarado ang nag iisang Banana cue store duon. Buti na lang at meron akong Plan B! Dumiretso ako sa Julie’s Bakeshop. Kumain ako nang tatlong pirasong Donut at uminom nang isang boteng Coke!

Page 244

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s