CHAPTER THE SEVENTH

Billboard

In Mga pintig nang aking pusong umiibig on Pebrero 16, 2015 at 10:23 hapon

image

Day 47

May dinaluhan akong isang nagpaka halagang pagtitipon sa Taguig City kaninang umaga! Kabado akong nagtungo duon. Hindi dahil sa wala akong ideya kung para saan ang nasabing pagtitipon, kundi dahil first time kong mag commute papunta sa lugar na iyon! Sobrang bigat pala nang traffic duon sa umaga! Terrible!

As a whole, naging maayos naman ang nasabing pagtitipon! Miski medyo naging mabagal ang simula. Bumawi naman dahil sa aming tagapagsalita na si Miss Hazel! Komedyante at nakaka aliw siya pero may sense naman ang mga kanyang mga sinasabi! Buong umaga din namin siyang kasama!

Pagdating nang hapon ay may isa pang tagapagsalita ang humarap sa amin. Si Sir Jojo! Tinalakay niya ang tungkol sa seguridad nang bawat isa. Naaliw din naman ako sa kanya. Halatang talagang may alam siya sa kanyang mga sinasabi! Halatang hindi siya basta basta!

Medyo naantala lang nang bahagya ang aking pag uwi bandang alas tres nang hapon dahil nakita ko sa gusali ang isang kaibigan na matagal ko nang hindi nakikita! Si Raindee! Taong 2013 pa nang huli kaming nagkasama!

Nagkamustahan kami at nagbalitaan nang mga nangyari sa aming masalimuot na buhay! Sa isang paksa kami nagtagal nang huntahan! Sa usaping pag ibig. Bandang huli, pareho kaming sumangayon at nagkasundo na mahirap talagang makahanap nang tunay na pagmamahal! Lalo na sa mga tulad namin!

Page 245

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s