CHAPTER THE SEVENTH

Malayo ang tingin

In Mga litanya nang aking pusong nalilito on Pebrero 17, 2015 at 11:01 umaga

image

Day 48

May sinimulan na akong bagong pagkakakitaan. Sapat lang din naman ang kikitain. Hindi sobra sobra. Hindi na masama kung malapit lang din naman sa kung nasaan ako sa kasalukuyan. Tulad din ito nang dati ko nang ginagawa. Isang bagay na gusto ko na sanang talikuran sapagkat inoobliga akong maging gising sa gabi at pagsilbihan ang minsan ay mga mapangmatang ibang lahi.

Ipinagpasalamat ko sa Panginoon ang pagdating ng oportunidad na ito dahil sa isang tensyong na buo bunga nang isang desisyon na ginawa nang mga may kakayanan. Dahil sa desisyon na iyon, malaki ang posibilidad na mawalan ako ng masisilungan. Kailangan mayroon akong mapagkukunan nang pondo upang makapagsarili at makabangon muli! At ang oportunidad nga na ito ang alam kong makakasagot nang pangangailangan na iyon!

Handa na akong yakapin ang nasabing oportunidad ngunit biglang may dumating na namang bagong pagkakataon! Ito naman ay nangangailan nang matinding sakripisyo, tiwala, at lakas ng loob! Kailangan kong sumugal dito. Walang kasiguraduhan ang laban na ito kung tutuusin. Pero ito naman ay nangangako nang malaking pagbabago sa aking buhay. Kabilang na dito ang siguradong bubong sa aking ulo, pagkain sa aking hapag kainan, at salapi na aking kikitain at maiipon para sa aking hangaring maisaayos ang aking buhay. Ang oportunidad na ito rin ang siyang tutuldok sa muli kong pag suong sa isang gawain na ayaw ko na sanang balikan pa at siyang magbibigay nang pagkakataon sa akin na muling maging isang tagapagpayo. Ano ang gagawin ko?

Page 246

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s