CHAPTER THE SEVENTH

World Record

In Mga pangarap nang aking pusong umaasa on Pebrero 21, 2015 at 8:16 hapon

image

Day 52

Maraming mga pagbabago ang sunod sunod na magaganap simula sa parating na linggo hanggang sa buong buwan nang Marso! Sa dami nang mga naranasan ko na sa buhay, imbes na kabahan o mag alinlangan pa ay kampante na lang ako. Ready ako sa kung ano man ang mangyayari!  Tatanggapin ko kung ano man ang darating!

Bilang paghahanda sa mga nakaambang kaganapan, unti unti ko nang inaasikaso ang mga bagay na dapat ay pagtuunan nang pansin. Naihabilin ko na sa mga taong nararapat ang mga mahahalagang pag ma-may ari kong hindi ko madadala at kailangan ipamahagi o di naman kaya ay iiwan. Isa isa ko na ring tinatapos ang mga obligasyon ko sa aking kapwa.

Nagkaroon ako nang pagkakataon kaninang tanghali na pumunta sa Riverbanks Mall sa Marikina. Sinigurado kong nakunan ang larawan ang higanteng sapatos na ito! Dahil sa mga inaasahan kong pagbabagong magaganap, baka mahirapan na akong nagkaroon muli nang chansa na makita ito muli! Mabuti na yung may remembrance ako sa lugar na kung saan marami rin akong natutunang aral!

Pagkagaling sa Marikina ay dumaan na rin ako sa Parlor sa kanto. Imbes na kay Nimfa sa Artista Salon ay kay Michelle sa Marie Claire Salon ako nagpagupit at nagpakulay nang buhok! Masaya naman ako sa gupit at kulay! Hindi na rin masama! Pero na turn off lang ako sa “Dagdag Serbisyo Dagdag Presyo Scam” nila! Buti na lang at ngayong panahon na may mga pagbabagong magaganap ito nangyari!

Wala na akong ibang hangad pa sa kasalukuyan kundi iyong sana ay, tulad nang higanteng sapatos sa Marikina, makapag tala din ako nang sarili kong World Record! Makamptan ko sana ang karangalan bilang ang kaisa isang taong nai-ahon ang sarili mula sa pagkakasadlak sa buhay patungo sa kasaganahan sa pinaka sandaling panahon!

Page 250

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s