CHAPTER THE SEVENTH

Gateway

In Mga pagsisiwalat nang aking pusong nagsisimula on Marso 1, 2015 at 10:05 hapon

image

Day 60

Pinuntahan ko muna yung sister ko sa Globe Service Center in Gateway bago kami sabay na pumunta sa Pasig City. Kailangan muna kasi naming malinis miski papaano yung apartment unit na lilipatan namin bago kami mag simulang maghakot bukas! This is it na talaga! Wala nang atrasan! Time to say Goodbye to Quezon City.

As usual, nakakastress ang init nang araw pero tuloy tuloy lang! Pinilit ko talagang magpaka positive! Dumiretso muna kami sa Palengke para bumili nang walis, timba, tabo, dust pan, at basahan. Bumili rin kami nang tatlong pirasong Ponkan para dagdag pang pa-suwerte! Bitbit ko na mula pa sa bahay ang tinapay, asukal, asin, at bigas!

Maganda naman yung apartment. Halatang alaga sa maintenance. Wala na rin naman akong masabi pa. Nasa 3rd floor yung unit namin. Mahangin at maaliwalas sa veranda! Mukha din namang tahimik sa paligid. Sabi nung Caretaker, puro taga Call Center daw yung ibang Tenants kaya tahimik talaga sa umaga! Wonderful!

Once makapag settle na kami, balak kong galugarin yung place! May nakita akong Museum! Gusto ko yun puntahan. May mga park din duon. Mukhang photo worthy din yung simbahan. Mukhang marami rin akong kuwentong maka-capture sa palengke. Basta, try ko muna sumabay sa agos. Wala naman kasi akong gaanong choice sa kasalukuyan eh. Smile na lang muna ako.

Page 258

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s