CHAPTER THE SEVENTH

Munting Pasiglahan

In Mga hinagpis nang aking pusong nalulumbay on Marso 7, 2015 at 9:52 umaga

image

Day 66

It’s one of those days again when it’s a lot easier to feel upset rather than to feel grateful about the little things in life! And believe me when I say that I despise days like this!

Ito yung mga araw na ang sarap patulan nang mga taong pabaya, iresponsable, hambog, arogante, kiri, papansin, nagmamarunong, mapagmataas, makasarili, walang maayos na sistema, at pulpol!

Sa mga panahong tulad rin nito ako nakakaramdam nang kawalan nang gana at pag asa! At para hindi ako tuluyang malamon nang aking nararamdaman ay lumalayo na lamang ako sa pinag uugatan nang aking dalamhati. Umiiwas ako sa mga tao o bagay na siyang sanhi nang aking poot, takot, at pagkabalisa!

At dahil hindi ako magaling magtago nang aking nararamdaman, alam ko rin na kapansinpansin ang biglang pagbabago sa aking ugali. Alam kong pinagtatakhan ito nang mga tao sa aking paligid. Hindi ko rin naman makuhang magpaliwanag. Magtangka man ako ay iba naman ang aking nasasabi.

Buti na lang at miski papaano ay aware na ako sa mga cycle na tulad nito. Miski papaano ay naiiwasan ko na siyang lumala. Alam ko na kung kailan ako dapat umatras, kung kailan ako dapat manahimik, kung kailan ako dapat lumayo at mag isa na lang muna.
Alam ko na rin kung paano ko maipapanumbalik ang aking katinuan at kasiyahan. Dapat ko lang paligiran ang aking sarili nang mga tao o bagay na naguumapaw sa Good Vibes! Dapat akong magpagpahinga. Dapat akong mag isip nang mga bagay na positibo at masaya.

Page 264

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s