CHAPTER THE SEVENTH

D’ Original Pares

In Mga awit nang aking pusong lubos na masaya on Marso 10, 2015 at 3:54 hapon

image

Day 69

May mga araw talaga na parang miski anong pagpipilit, pagpapaka positibo at pagpupursige mo ay talagang hindi suma-swak ang lahat! Tila ba pinag lalaruan at pinipikon ka nang tadhana at tinatancha kung hanggang saan aabot ang iyong pisi. Such a day is today!

The day started with me going from one Sari Sari Store to another looking for an electronic load. Mula sa pinaka maliit na tindahan sa may kanto hanggang sa Mini Stop sa may rotonda ay napagtanungan ko na pero for some very strange reason at wala silang load para sa Smart! Huli na nang ma realize ko na para pala sa Globe ang load na kailangan ko!

Bilang isang hamak na prepaid Dual Sim user na taga Project 4 dati, nasanay ako na parating Smart ang gamit ko since yung network na iyon ang malakas sa aking former location. Now that I am here in Pasig, mas perfect naman ang Globe sa kung saan ako nakatira. No big deal naman iyon sa akin. Both networks are fine naman with me. Minsan nga lang talaga ang hirap maghanap nang pag lo-loadan nang small amounts. But anyway, bandang huli naka hanap din naman ako. Yun nga lang, literal na nakarating pa ako sa tulay sa may kabilang ilog para sa singkuwenta pesos na load! Ang saya!

Next, after namin bagtasin ang kahabaan nang Kapasigan sa kasagsagan nang init ng araw para makapag bayad nang bill sa PLDT ay wala na kaming ibang gusto pa nang sister ko kundi makapag lunch na pagkatapos nang aming sadya sa nasabing lugar.

Bilang mga bagong salta dito sa Pasig, kaunti pa lang ang alam naming kainan sa paligid. Alam namin kung nasaan ang Mang Inasal, Jollibee, McDonald’s, KFC, Pansitan, Paresan at mga Tapsilogan. Pero gusto sana namin ay yung maayos naman na kainan nang lutong bahay. Either isang Restaurant or Karinderia na may tindang ulam na may mainit na sabaw like Bulalo, Nilaga, Tinola, or Sinigang.

Pumara kami nang tricycle at nagpahatid sa may F. Manalo street. May nadadaanan kasi kami duong Kitchenette na mukhang very promising. Pagdating namin sa place, bigla na lang kaming nadismaya kasi kung anong ganda nang nakapaskil na iba’t ibang pagkain sa labas ay siya namang gloomy sa loob. Wala halos kumakain, at iilan din lang ang naka display na ulam. Puro natutuyo pa at tila lumang luma na. Umatras kami agad at sumakay ulit nang tricycle.

Ang plano ay sa Ado’s Panciteria na lang kami kakain. We have been there before and it did not disappoint naman. Kaya sineset na namin sa aming isip na balik Pancit muna ulit kami today. On the way to the place, tinanong namin yung driver kung saan ba merong masarap na kainan. Yung nag se-serve nang mga ulam na may sabaw. Saglit na nag isip si Kuya, after a while he said na may naisip na daw siya. Malapit din lang daw sa Ado’s. Natuwa naman kami nang sister ko at pumayag na magpahatid sa nasabing lugar. Finally ay makaka kain narin kami nang maayos!

Imagine my surprise when we finally arrived at the place! Nanlaki na lang ang aking mga mata at saglit na natulala nang ma realize ko na sa D’ Original Pares pala kami dinala ni Kuya. Isa nanamang Paresan! May mainit na sabaw nga namang sine-serve! Why not? But of course, I we can’t blame Kuya Driver. Yun nga kasi ang idea niya of a: “Masarap na kainan na may mainit na sabaw!” So, nagkatinginan na lang kami nang sister ko at napangiti. Ang ending, nauwi ulit kami sa Lechon Kawali with Fried Rice. Siyempre pa, we got what we wanted – Ang mainit na sabaw!

Page 267

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s