CHAPTER THE SEVENTH

Sinturon ni Julio

In Mga kabog nang aking pusong kinakabahan on Marso 13, 2015 at 10:59 umaga

image

Day 72

Hindi ako nakapasok kagabi. Namamaga nanaman kasi ang aking kanang mata. Kailangan ko ulit mag take ng gamot. Then baka sakaling pagkatapos nang gamutan ay makapag pa-opera na ako. Sana!

May isa pang dahilan kung bakit tuluyan akong napilitang umabsent. May kinalaman ito sa mga mali kong desisyon sa buhay. Wala akong dapat na sisihin maliban sa aking sarili. Kaya kung sakaling hatulan ako sa aking ginawang pagliban, hindi sasama ang aking loob. Maiintindihan ko. Talagang ganun!

Madaling araw pa lang ay may nagbalita na sa akin na may suweldo na daw. Ang aking kasihayan ay napalitan din agad nang kalungkutan sapagkat may mali daw sa halaga nang aming sinahod. Nadismaya ako pero hindi na rin ako nagulat. Ang totoo niyan ay inasahan ko nang ito ay mangyayari. Basta alam ko!

Nang magliwanag na, naghanap ako kaagad nang mapapag loadan. Sa wakas ay alam ko na kung saan merong loading station na malapit lang dito sa bahay. Duon lang pala sa tindahan na malapit sa Gasolinahan sa kabilang kanto. Ngayon alam ko na!

Bumili na rin ako kaagad nang gamot sa Mercury Drugs! Pang tatlong araw muna yung binili ko. Dalawang klaseng gamot yung nasa reseta. Yung unang gamot, ite-take ko nang tatlong beses sa isang araw. Seven days kong iinumin yun. 60 pesos ang bawat isa. Then yung pangalawang gamot, 2 times a day naman for 5 days. Halos 30 pesos naman ang bawat isa nun. Ang mahal!

From the drugstore ay dumiretso ako sa Jollibee. Kumain ako nang Palabok with Chicken. Ang tagal kong inasam na makakain ulit nun. Sa wakas ay naganap na nga kanina. I was glad naman. And siyempre, just like with most of my visit at Jollibee, naging happy experience naman ang pag dine in ko. Good vibes!

After eating, dumaan ako sa napaka pamoso at laging sobrang busy na Pasig Mega Market! Gusto ko sana bumili nang hilaw na mangga with bagoong. Marami naman akong nakitang nagtitinda! Pero wala yung nabalatan at naka supot na. Kung bibili naman ako nang per kilo, mapipilitan din akong mag talop. Ibig sabihin kailangan kong bumili nang kutsilyo since wala pa kaming ganun dito sa bahay.

At kapag bumili ako nang kutsilyong pang balat sa mangga, baka hindi ko nanaman mamalayan na kung ano anong bagay na hindi naman gaano mahalaga ang pinag bibili ko! Hindi puwede yun! Maling mali! Huwag ngayon! Kailangan kong maghigpit nang sinturon! Mukha kasing may rough times nanaman na paparating! I need to be ready. The cycle is back. And I am afraid. I am very afraid!

Page 270

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s