CHAPTER THE SEVENTH

San Roque de Pateros

In Mga pangarap nang aking pusong umaasa on Marso 15, 2015 at 1:39 hapon

image

Day 74

Nagsisimula pa lang magliwanag ay gumayak na ako. May importante akong lakad. Pupunta ako nang Pateros. Nabalitaan ko kasi na sa nasabing lugar ko daw matatagpuan ang matagal ko nang hinahanap. Bitbit lamang ang kapirasong impormasyong meron ako na sinamahan lang nang lakas ng loob, marubdob na pagnanais, at matinding kutob ay umalis na ako nang bahay bago pa mag alas sais nang umaga.

Mula dito sa apartment ay dumaan muna ako sa may palengke. Kailangan ko pa kasing mag withdraw nang pera. Mabuti na yung handa ako sa kung ano man ang mangyayari. Pagkatapos kong kumuha nang pera ay naglakad na lang ako patungo sa Plaza Rizal. Maaga pa naman at hindi pa mainit. Nag enjoy din naman ako sa aking paglalakad. Nadiskubre ko rin na tuwing Linggo pala ay sinasarado ang isang lane papasok sa City Hall para magamit nang mga Pasigueño sa pag eehersisyo, paglalakad, at pag bibisiketa.

Sa may Plaza Rizal, na nasa kaliwa lang nang Pasig Museum at katapat lang nang Immaculate Conception Parish, ko nakita ang sign board na nagtuturo nang direksyon papuntang Pateros. Hindi naman ako nahirapang matunton ang sakayan nang jeep. Bago sumakay ay tinanong ko pa ang Barker kung magkano ang pamasahe. Sabi niya ay 7.50 lang. Minimum fare! Ibig sabihin ay malapit lang ang lugar na aking sadya.

Sa tabi nang Driver na ako umupo. Habang umaandar ang jeep ay panay ang tingin ko sa aming dinadaanan. Pilit kong tinatandaan ang lugar. Hindi na ako nagtanong pa sa Driver kung narating ko na ang Pateros. Obvious naman na naanduon na ako sa dami nang mga singages sa paligid. Makalipas lang ang ilang minuto ay bumaba na ako nang jeep. May mapansin na kasi akong intersection na madaming tao. Isa lang kasi ang ibig sabihin nuon. Malapit na ang lugar sa Simbahan, Munisipyo, at Palengke. Hindi nga ako nagkamali.

Sinundan ko nang lakad ang direksyon nang mga tricycle. Hindi pa ako naka lalayo sa kung saan ako bumaba nang jeep ay nakita ko na ang simbahang ito. Ang Dambana ni Sta Marta sa San Roque de Pateros. Gusto ko sanang pumasok sa loob pero bigla akong nahiya. Napansin ko kasi na ang daming sumusulyap sa akin. Suot ko pala ang paborito kong dilaw na Statement T Shirt! Hindi nga naman nababagay sa loob nang simbahan ang aking damit!

After ko sumaglit sa simbahan ay naglakad na ako ulit. Natanaw ko na rin agad ang Palengke. Nabuhayan ako nang loob! Nagkaroon ako nang pagasa! Pakiramdam ko ay malapit ko nang makita ang aking sadya. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Tumingin tingin sa paligid. Hinahanap ko ang Landmark na magdadala sa akin sa aking pakay. Pero sa bawat hakbang ko papalayo ay parang lumalayo din ako sa aking hinahanap. Iniwasan kong magtanong. Ayoko kasing magpaliwanag pa sa ibang tao.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Narating ko ang Pamahalaang Bayan nang Pateros. Hindi na ako nakatiis. May nakita akong matandaang lalaki na nagpapahinga sa lilim nang punong mangga. Tinanong ko sa kanya kung saan ko matatagpuan ang Landmark na aking hinahanap. Tinuro niya ako pabalik sa direksyon kung saan ako nang galing! Medyo nalungkot ako. Alam ko na kasi na hindi nag tagumpay ang aking lakad.

Nilakad ko muli pabalik ang daan kung saan ako una nagmula. Tinignan kong maigi ang lahat nang aking madaanan. Baka may hindi ako nakita nuong una akong dumaan sa lugar na iyon. Nag bakasakali parin ako. Nagpatuloy lang ulit ako sa paglalakad. Nang makabalik na ako sa kung saan ako una nang galing ay naglakad parin ako nang bahagya. Kalaunan ay sumuko na rin ako. Tinanggap ko na na hindi pa ito ang araw.

Kulang na rin kasi ako sa panahon. Kung puwede ko lang sana gamitin ang buong araw. Sayang! Pero hindi bale. Mag ta-try ulit ako sa susunod. And next time, sisiguraduhin ko nang may sapat akong oras at impormasyon!

Bumalik na ako nang Pasig bago pa mag alas diyes nang umaga. At para hindi naman masayang ang aking paglabas nang bahay ay ginawa ko na lahat nang aking dapat pang asikasuhin. Bumili na ako nang dagdag na gamot para sa aking mata, ginalugad ko ang Lianna’s, nilibot ko ang palengke para nakahanap nang maayos na kainan, tinunton ko rin ang bilihan nang damit at sapatos, pinanuod ko ang demo nang Black Box ni Sarah Geronimo, kumain nang tanghaliang Lechon Paksiw at kanin sa Toning’s, at bumili nang dalawang slices nang dilaw na pakwan at isang sweet corn!

Hindi ko nahanap ang aking pakay sa Pateros pero okay lang! Hindi pa talaga siguro ito ang takdang panahon. Di bale, meron pa namang next time! Try ko na lang ulit sa susunod.

Page 272

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s