CHAPTER THE SEVENTH

Men at Work

In Mga kabanata nang aking pusong natuto on Marso 25, 2015 at 10:11 umaga

image

Day 84

More than seven years ago, nuong panahong kailangan kong talikuran ang akademia at ang entablado, mayroong isang taong imbes na palakasin ang aking loob at in-encourage na ipagpatuloy ang aking buhay sa gitna ng mga unos, ay siya pa mismong nagdiin sa akin sa kapahamakan at sinabihan pa ako na ako daw ay immature!

Surprisingly, hindi ko nakuhang magalit sa taong iyon. Infact, mas namutawi sa akin ang awa! Nakaramdam ako nang matinding habag sa taong imbes na ibangon ako ay pilit pa akong tinapak tapakan! Awa sapagkat, hindi tulad ko nuong panahon na iyon, siya ay nakatali na sa sistemang sinauna, luma, bulok, mali, at palpak!

But if something good came out of my encounter with that person, yun siguro yung pagtatak sa isip ko nuong sinabi niyang ako daw ay immature! After kasi niyang sambitin sa akin ang katagang iyon nang may diin at bakas nang puot, lagi ko nang sinisikap na miski paunti unti ay matuto naman akong maging mature! Mature sa lahat nang bagay!

Siguro nga tama siya! I might have been so immature at that time! Ipinaglaban ko ang isang idelohiya na alam kong wala naman akong ipapanalo. Sumuong ako sa isang laban na destined to fail! Maybe she knew that and I didn’t! Maybe she was mature and I wasn’t! Maybe she was right all along!

Looking back, and comparing myself now from what was then, I could say naman that I have matured! Naanduon na ako sa stage nang buhay ko na miski nahihirapan ako, talaga namang kumakapit ako nang matindi sa kung ano man ang ibinigay sa akin nang Amang Lumikha! Marunong na akong maghanap nang dahilan upang hindi ako magpadala sa bugso nang damdamin! Salamat sa taong iyon!

Naalala ko lang na ibahagi ang kuwentong ito sapagkat kanina, nakaisip nanaman akong magwaldas nang pera. Perang kailangan kong sinupin. Perang mahirap kitain. I was already on my way somewhere na puwede akong gumasta when I saw these Men at work. Then it hit me! Mahirap pala talagang kumita nang pera! So, I turned back, headed to a Karinderia, had lunch, went home, and felt glad that hindi ako nadala sa aking impulse! I guess, nag mature na talaga ako! I should! And I must! Because yesterday, my life began!

Page 282

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s