CHAPTER THE SEVENTH

Holy Monday 2015

In Mga pagpuri nang aking pusong humahanga on Marso 30, 2015 at 11:46 umaga

image

Day 89

Nagpunta ako sa City Hall kaninang umaga. Naghanap ako nang maganda at interesanteng subject ko for today. I have to admit that nahirapan ako! Grabe! Kung tutuusin talaga, ang dami namang puwedeng kunan nang larawan duon kanina. Monday kasi kaya may flag raising ceremony sila. Pero parang may kulang! Parang may mali!

Naisip kong gawing paksa ang Pasig City Band na tumugtog nang Lupang Hinirang at Pasig City Hymn, ang mga kawani nang Pamahalaang Bayan na nanumpang magiging huwaran, maglilingkod nang tapat at hindi manghihingi nang regalo, ang mga iba’t ibang grupo na siyang inatasang manatili nang kapayapaan, ang mga Brown Boys na kuntodo complete uniform, at ang Vice Mayor na nag announce nang mga activities nang Pasig City this Holy Week!

Dahil wala akong makitang interesting subject, pumunta pa ako sa Palengke. Naisip ko na baka duon ko makita ang aking hinahanap. Dumaan pa ako sa mahabang overpass. Nagbabaka sakaling may makasalubong akong photo worthy. Pero ganun din. Wala akong nakita. Sawi nanaman ako! Kaya bumalik na lang ako ulit sa City Hall.

Pagkabalik ko sa City Hall, nagmatyag matyag ako kaagad sa aking paligid. May nakita akong isang lalaki na kahawig ni John Lenon, isang batang lalaki na nagkalat nang basong pinaglagyan nang taho, dalawang Gardener na abala sa paghuhuntahan, isang beki na may tattoo nang ahas sa braso na tila may hinihintay na fixer, isang ama na masayang pinapanuod ang kanyang mga anak habang kumakain ng Dunkin Donuts, tatlong lakaking Miyembro nang Jehovah’s Witness na naka silong sa shade ng puno, at ang mamang ito na mag isang naka upo sa isang sulok at tahimik na nag babasa nang Bantayan.

Page 287

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s