CHAPTER THE SEVENTH

Holy Tuesday 2015

In Mga katanungan nang aking pusong nagtataka on Marso 31, 2015 at 11:52 umaga

image

Day 90

Buti na lang at yung huddle na naka schedule after shift ay ginawa na a few minutes before matapos ang shift! Laking relief para sa akin nun! Pag dating ng 6:00 AM ay dali dali na akong umuwi! On the dot talaga! Ayoko kasing maabutan nang traffic sa EDSA! Nakaka trauma!

Nasa Pasig na ako at quarter to 7! Dumiretso na ako sa Mercury Drugs para bumili ulit nang panibagong set nang gamot para sa aking mata na hindi na gumaling galing! Hay! Siguro kasalanan ko rin kasi yung huling take ko nang gamot ay laging wala sa oras kung inumin ko. Minsan lampas na sa 8 hours ang intervals!

From the Drug Store ay naglakad ako papuntang Palengke. Bumili ako nang sabon at shampoo. Then kumain ako nang Goto at Tokwa. Medyo sad nga lang kasi yung Goto na nakain ko ay walang panama sa mga Goto na nakain ko na sa ibang Gotohan before. Hindi nila gaano siniseryoso ang Goto dito sa Pasig! Hindi tulad sa Marikina! Na miss ko tuloy ang Macky’s! Pati na rin ang Shammy’s at Kabayan’s!

From the Mega Market ay naglakad lakad ako papuntang City Hall then sa Simbahan. Nagkukuha ako nang mga larawan! Nakunan ko nang picture ang isang lalaking abala sa pag se-cellphone habang naghihintay na mag bukas ang Pamahalaang Bayan. Then sa Simbahan naman, kinunan ko nang picture yung maliit na rebulto na dedicated para sa mga sanggol na biktima nang abortion. I headed back home at quarter to 9 when I thought I got my shot!

Nagulat ako nang abutan kong nasa bahay na ang Sister ko. Kadalasan kasi ako ang unang nakaka uwi. Then I realized na ang aga ko pala kasing naglibot libot! Kaya nauna siyang nakarating. Yun naman pala yun!

After magpahinga saglit ay nagbihis na ako nang pang bahay. Balak ko sanang lumabas pa ulit para magpa load at kumain. Niyaya ko na ang Sister ko. Hindi narin naman siya nagpa tumpik tumpik pa! Agad din naman siyang gumayak! Ang dapat sana ay lunch sa Karinderia ay nauwi nanaman sa Mang Inasal.

Ang gusto ko sana talaga ay sa Karinderia na lang kami mag lunch para naman maipagpatuloy ko ang nasimulan kong pag ulam nang isda kahapon! Kaya lang no choice! Balik Chicken nanaman kami! Sayang ang aking panata! Balak ko pa naman sana talagang mag abstain sa pagkain nang meat this Holy Week. Sabi kasi nila, bawal daw kumain nang laman kapag Quaresma! Totoo ba? Ask ko kaya si Moodrah kung ano ang masasabi niya?

Page 288

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s