CHAPTER THE SEVENTH

Maundy Thursday 2015

In Mga paglalahad nang aking pusong na kokonsensiya on Abril 2, 2015 at 10:10 umaga

image

Day 92

Back to back na system issues na nakaka wala nang momentum, mga customers na may pinagdadaanan sa buhay na handang pumatay sa ngalan nang pera, hindi tapos tapos na queue na para bang wala nang bukas, walang habas na auto in na ewan ko ba kung bakit tila ako lang ang paborito, at mga mapanlamang sa kapwa na pa relax relax lang habang ang iba ay laylay na ang dila sa pagod! Ang mga iyan ang sinagupa ko sa office kagabi!

Nakaka bad vibes of course, pero dinaan ko na lang sa pagsambit nang panalangin kay St. Francis! Where there is hatred, let me sow love. Where there is injury, pardon. Hay! Life! Mabuti na lang talaga at through the years ay sobrang humaba na ang pasensiya ko! Smile na lang! Patawa na lang! Biruan na lang! Kesa naman indahin ko pa ang mga bad vibes sa paligid! Inisip ko na lang na ito ang penitensiya ko this Holy Week!

So, after shift, ang ginawa ko na lang para miski papaano naman ay marelax ako ay nag hanap na lang ako nang makakapag pa saya sa akin. And one thing that will truly make me happy is food! My comfort food! Anybody who truly knows me could tell right away what food I am referring to! Siyempre wala nang iba pa kundi ang makasaysayang – Goto!

Sa wakas ay nakahanap din ako nang tindahan nang Goto dito sa Pasig na medyo promising! Ang Ponching’s Value Meals sa Mega Market! Nasabi kong promising kasi lasang tunay naman ang Goto nila. Tama naman ang rekado. At tama din ang texture! I guess babalik ako ulit dun! Kapag natapos na ang pag take ko nang gamot para sa mata. Hindi ko pa kasi gaano na appreciate yung foods ko kanina kasi mahapdi pa ang sikmura ko eh. Side effect nung gamot na iniinom ko.

At ang lakas nang loob kong i-claim na hindi ko pa gaano na appreciate yung kinain ko, when I ordered almost everything double! Dalawang order nang goto, dalawang servings nang Tokwa’t Baboy, at dalawang bote nang softdrinks! Bale yung Halo Halo lang ang single order! Nakakahiya ang katakawan ko! At mas nakakahiya pa lalo kasi hindi ko man lang naisip na sa mismong tapat ko ay may isang batang babae pala na gutom na gutom. Umorder sila nang Value Meal na isang scoop nang kanin na may dalawang hiwa nang Lechong Paksiw. Pagkaing pinaghatian pa nila nang isa pang bata na kasama niya. Na konsensiya ako! Huli na kasi nang aking mapansin.

Page 290

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s