CHAPTER THE SEVENTH

Good Friday 2015

In Mga pagpuri nang aking pusong humahanga on Abril 3, 2015 at 11:19 umaga

image

Day 93

Ewan ko kung suwerte lang ako kagabi pero hindi naman ako gaano nahirapan makasakay. Dahil nga alam ko naman na baka walang FX na biyaheng Robinson’s – MegaMall, nag iba ako kaagad nang ruta. Nag Quiapo – MRT – Crossing na lang ako. Bumaba ako sa Shaw at nag lakad na lang papuntang MegaMall kung saan naanduon ang mga bus na pa Northbound.

Dahil maaga akong nakarating sa Cubao, I had enough time din para maka kain. I need to eat kasi kailangan kong uminom nang gamot. Balak ko sana ay sa Family Mart sa may STI Cubao na lang kumain. Pero dahil Biyernes Santo nga, sarado sila. Umakyat ako kaagad sa 5th Floor nang Harvester Bldg. Naisip ko na sa Pantry na lang. Pero sarado din pala sila. Kaya ang ending, sa Karinderia na lang sa labas. At para safe ang aking tiyan, Hotdog and Plain Rice na lang ang aking kinain.

My shift went on as usual. Hindi na ako na gulat pa nang tumambad sa amin ang queue na parang hindi na maubos ubos. Breath in and breath out na lang. Smile. Keep Calm and Carry On. It worked naman for me. Miski bugbog na sa calls, windang na sa mga concerns na first time ko ma encounter, at lupaypay na ang dila sa kakasalita, nakuha ko pa namang makatawa pa sa mga biruan namin kapag nag milagro ang may kapal na biglang mag avail!

After shift, nag pa meeting bigla. Ang agenda is about Tardiness and Attendance. Nagpakilala rin yung bagong Manager. Mag papa pizza daw siya kapag 100% ang attendance tonight. Medyo magtagal yung meeting. May mga adlibs pa kasi once in a while. Kung hindi lang Biyernes Santo ngayon, I would have either escaped before or during the meeting. Pero dahil nga Holiday at alam ko namang maluwag ang EDSA, game naman akong nag stay.

As I expected, madali naman akong nakasakay sa bus papuntang StarMall, at madali rin akong nakasakay nang jeep papuntang Pasig – Palengke! Panalo! Wala pang 30 minutes ay nasa Mega Market na ako at nag hahanap nang makakainan. I ended up eating Pancit Canton, ube halaya, and watermelon. Ang gandang combination!

After eating, nag matyag matyag na ulit ako sa aking paligid. Naghanap na ako nang aking subject! Nakunan ko nang larawan ang isang tindahan nang kakanin na pinagkakaguluhan nang mga Kababaihan, ang isang Babaeng naka bistida na pula at hirap na hirap sa paglalakad suot ang kanyang mataas na sapatos, ang isang Binata na kinukuha ang sahog na Chicharon sa kinakaing Lomi nang kanyang Nanay, at ang isang Matandang Babae na nakaidlip sa hagdan at kalapit ang kanyang sako bag na puno nang mga damit. Pauwi na sana ako when on my way out, nakita ko si Lolo. I knew right away that I must take a photo of him. Here is a picture of an old man with probably one of his valuable possession in life.

Page 291

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s