CHAPTER THE SEVENTH

Black Saturday 2015

In Mga samut saring chika nang aking pusong naglilista on Abril 4, 2015 at 9:46 umaga

image

Day 94

Hindi naging problema ang sasakyan nuong papasok na ako kagabi. Hindi man marami ang bumibiyahe, ay sapat naman ang mga jeep at bus na nasa kalsada na para sa mga pasahero at biyahero. Ang naging suliranin lang ay ang dadaanan! Ang daming kalsadang isinara! Bawal daanan nang sasakyan! Kaya ang mga driver, inis na inis rin kasi paikot ikot sila! Maling mali!

As usual, maaga akong nakarating sa Cubao. Kumain muna ako sa 7 11 bago dumiretso sa office. Kailangan kasi malamanan ang tiyan ko para sa pag inom ko nang  aking gamot. Talagang sinusunod ko na ang 8 hours interval nang aking pag take nang Augmentin at Decelone Forte. Gusto ko nang gumaling nang tuluyan ang aking mata. Sana naman!

Medyo relax nang bahagya ang araw na ito compared sa nakalipas na apat na araw. May mga panahon din na nag me-meeting kami kasi inaayos daw ang Precision Routing! Then may pakain ang office na Danggit, Itlog na Pula, Kamatis, and Rice for lunch. Tapos, towards the end of the shift pinatawag ulit kami by batches para ipaalam na starting Monday ay iba na ang queue namin! Ang bilis nang mga pangyayari! Nakaka gulat!

Compared to previous days, after shift ay saglit muna akong nakipag kuwentuhan kina Bern at Giel. Napag usapan namin ang pagkain nang Halo Halo sa Charing’s! Nadaanan din nang kuwentuhan ang mga strategy nang mga taong mapanlamang sa kapwa! Nuong bumaba na si Matti ay sumabay na rin ako nang lakad papuntang sakayan. Uwian na! Rest day mode na talaga ako! Gusto ko nang mag relax at mag pakasaya! Ang saya!

Nakasakay naman ako kaagad nang bus biyaheng Crossing- Ibabaw. Pero dahil may isang portion nang highway sa tapat nang StarMall ang kaka tapos pa lang sementohan ay ibinaba na kami sa may MegaMall pa lang. Naka sarado na rin kasi ang isang bahagi nang kalsada. May barikada, at nasa highway na mismo ang mga tao. Pero dahil hindi rin naman din gaano mahaba at malayong yung lakaran na naganap, Okay lang!

Pagdating ko nang StarMall, bigla akong nakaramdam nang matinding gutom. Naisipan kong manginain! Bumili ako nang Taho. Kumain ako nang Cheese Waffles. Then umorder din ako nang Hong Kong Style Noodles with Sharkfin and Japanese Siomai. Ang sarap!

Page 292

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s