CHAPTER THE SEVENTH

Easter Sunday 2015

In Mga pagpuri nang aking pusong humahanga on Abril 5, 2015 at 7:49 umaga

image

Day 95

Maaga ko natapos ang aking laundry kaya naman pasado ala una pa lang nang madaling araw ay nakalabas na ako nang bahay para makapaghanap nang makakainan. Naisip ko na since Sabado De Gloria naman kahapon at Easter Sunday naman ngayon, baka marami nang mga bukas na kainan sa paligid. I was wrong! Sarado ang lahat nang mga malalapit na Tapsilogan na madalas kong puntahan.

Dahil kailangan ko talagang kumain, napilitan akong maglakadlakad papalayo nang bahay. Medyo maalinsangan ang panahon kaya hindi ako gaano nagmadali. Inenjoy ko lang ang aking paglalakad. Dinala ako nang aking mga paa sa may Simbahan nang Immaculate Conception. Malayo pa lang ay tanaw ko na ang maliwanag na entablado. May programa para sa Salubong.

Habang papalapit ako ay napansin ko rin ang ilang mga taong abala sa pag aayos nang ilaw at sound system. Alerto rin ang mga Blue Boys and Brown Boys sa pag babantay nang mga binarikadahan nilang kalsada. May mga Tindero sa paligid nang Simbahan na nag babasta na rin nang kanilang mga paninda. May mga mangilan ilang mga Deboto ang nag dadatingan na rin. Lahat ay nag aabang sa pagsisimula nang programa. Lahat ay excited! Kabilang na marahil si Manong na isang tagalako nang sigarilyo at candy. Makalipas kasi ang ilang araw, ay pagkakataon nanaman niya ulit ito para makapag hanapbuhay!

Saglit pa akong nag stay sa may tapat nang stage. Tumayo ako sa may gilid ng 7 11 kaharap nang Pasig Museum. Pinag masdan ko ang mga kaganapan. Habang tumatagal ay paparami na nang paparami ang mga tao. Pinapaalis na nang isang Brown Boy ang isang Cigarette Vendor na naka upo sa daanan nang mga tao. Pinalipat siya ng puwesto.At may isang grupo nang mga Police ang nakapila sa isang Magtataho.

Makalipas pa ang ilang minuto ay nagpatuloy na ako sa paglalakad. Bumalik ako sa may Palengke. Naisip ko kasi na baka bukas na yung nakainan ko dati nang masarap na Goto. Mali ulit ako. Kaya ang ending, bumili na lang ako nang Magnum sa isang Convenience Store.

Pauwi na sana ako pero talagang parang nakikiusap ang aking tiyan na siya ay malamanan. Kaya imbes na dumiretso sa bahay ay nagpatuloy ako sa paglalakad. Nadaanan ko ulit ang entablado sa tapat nang Simbahan. Mas marami nang tao. Dumiretso ako nang lakad hanggang sa may tulay. May tatlong kainan na bukas duon. Pinili kong kumain sa Best Friends. Bagong bukas kasi yung at curious pa ako kung ano ang mai-o-offer nila. Hindi naman ako nag sisi. Para sa Pares na halagang 89 php with drinks, unli rice, and unli soup ay talagang sulit na! Bonus pa na sobrang Good Vibes ang kanilang mga staff!

Page 293

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s