CHAPTER THE SEVENTH

Plaza Rizal

In Mga himig nang aking pusong naaantig on Abril 6, 2015 at 8:45 umaga

image

Day 96

Muli kong dinayo kaninang madaling araw yung Suki ko nang One Day Old sa may Pasig Museum. Mga ilang linggo narin ang nakakalipas nang huli akong pumunta duon para kumain. The last time na dinaanan ko yung tindahan niya ay iilang pirasong sisiw na lang ang natitira sa kanya at puro maliliit at mukhang mga luma pa, kaya hindi rin ako nag tuloy. Pero kanina, marami nanaman siyang naka display at puro malalaki kaya nagpaluto ako kaagad.

As expected, makuwento parin si Suki at kapag nabigyan nang pagkakataon ay ibinibida niya nang paulit ulit kung saan niya hinahango ang kanyang mga paninda! Effective naman sa akin ang kanyang pagiging pala kuwento kasi napapadami lalo ang aking order. Bale naka anim na pirasong One Day Old ako at isang Mismo! Otso pesos kada isang sisiw at dose pesos yung softdrinks! Sarado 60 pesos! Solb na!

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso ako sa Plaza Rizal. Naisip kong umupo muna, magpahinga, at magpalamig, bago muling maglakad babalik sa bahay.
Hindi na ako nagulat pa nang datnan kong halos puno na nang mga taong natutulog ang mga benches sa nasabing parke. Dito sa  parte na ito nang Pasig, marami ang natutulog sa kalsada. Hindi exemption ang Plaza Rizal.

Suwerte naman ako at may nakita akong isa pang bakanteng upuan. Isang mahabang bench na pang tatluhan. Occupied na nang isang natutulog yung  isang dulo pero okay lang. Agad kong in-occupy yung isa pang dulo bago pa ako maunahan nang iba. Naiwang bakante yung gitna.

Wala pang limang minuto akong nakakaupo ay biglang napukaw ang aking attensiyon nang malakas na boses nang isang paparating na Batang Lalaki. May kausap siyang isang Matandang Babae. Umupo sila malapit sa kung nasaan ako at nagsimulang magkuwentuhan. Tungkol sa pagaaral, pagtatrabaho, pagsisikap, pagiging matiyaga at pagiging mabait ang kanilang topic.

Makalipas pa ang ilang minuto ay umalis na si Lola at naiwan si Totoy. Nilapitan naman nung bata yung katabi ko na kakagising lang. Sila naman dalawa ang nagkuwentuhan. This time tungkol naman sa Duwende, Aliens, Tiyanak, at White Lady ang kanilang pinag bidahan. Magaling din sa Geography, History, at Culture si Totoy kasi alam niya kung nasaan at kung ano ang makikita sa Bahay na Tisa at Pasig Museum.

Ilang saglit pa ay tinulugan siya ulit nung kausap niya. Napansin kong patingin tingin siya sa akin at tila sabik na sabik pa sa pagsasalita kaya sinabihan ko siyang magpatuloy sa pagkuwento. Saglit siyang nag atubuli. Nahiya siguro kaya hindi siya kaagad naka imik.

Nang makakuha na siya marahil nang buwelo ay nagsimula na siyang mag usisa. Una niyang tanong sa akin ay kung madalas daw ba ako sa Plaza Rizal. Sabi ko naman ay hindi. Tinanong niya ulit ako kung bakit. Sabi ko kasi may trabaho ako. Tinanong rin niya kung ano ang trabaho ko at sinagot ko naman. Maya maya pa ay nagkuwento na siya. Nabanggit niya na lima daw silang magkakapatid. Grade 5 na daw siya sa pasukan. Kasama niyang natutulog sa Plaza Rizal ang Tatay niya. At may asawa nang iba ang kanyang Nanay.

Page 294

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s