CHAPTER THE SEVENTH

Friendship over

In Mga paliwanag nang aking pusong nag i-eksplika on Abril 7, 2015 at 11:20 hapon

image

Day 97

Lately, parati na akong balisa! Hindi na ako makatulog nang maayos! Sa tuwing ipinipikit ko ang aking mga mata, puro masasamang ala ala na lang ang pumapasok sa aking isipan! Hindi na ito nararapat! Hindi na tama ito!

Pinilit kong maging masaya. Pinilit kong pakisamahan ka. Pinilit kong intindihin ang lahat nang iyong pagkukulang pero talagang hindi ko na talaga kaya! Pangit mang sabihin pero, suko na ako! Lahat nang bagay sa mundo ay may hangganan din.

Kasalanan ko rin siguro kung bakit humantong sa ganito ang lahat. May mga bagay din kasi akong pilit na tinatakasan. Akala ko ay sa pamamagitan at tulong mo, ako ay mas magiging mainam. Nagkamali ako. Dahil sa aking makasariling hangarin ay mas lalo akong naging miserable!

Ayoko sana talagang gawin ito. Ayoko sana talagang humantong pa sa ganitong sitwasyon. Ito ang araw na ayoko sanang dumating. Ito ang araw na hindi ko pinangarap na mangyari. Pero, para sa katahimikan at kapayapaan nang lahat, hanggang dito na lang muna siguro. Ayoko na! Tama na! Friendship over.

Page 295

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s