CHAPTER THE SEVENTH

Master Siomai

In Mga kabanata nang aking pusong natuto on Abril 8, 2015 at 8:57 umaga

image

Day 98

Malinaw na sa akin kung bakit parating nangyayari ang mga tagpong tulad nang kahapon. Naging malaking tulong ang aking pagtatala nang mga kaganapan sa aking buhay araw araw at ang proyektong ito na pagkuha nang larawan sa pag unawa ko nang sitwasyon. Alam ko na ang sanhi, ang epekto, at ang lunas.

Ang sanhi ay isang bagay na madalas ay hindi ko kontrolado. Miski ano pang pag iwas ang gawin ko, kapag ito ay parating, inaabutan parin ako. Ang epekto, madalas ay hindi kaaya-aya. Hindi ko ito gusto. Miski sino naman siguro ay hindi iyon nanaisin. Ang lunas naman ay isang bagay na akin naring natutunan sa paglipas nang panahon. Walang nagturo sa akin.

At dahil kailangan kong tulungan ang aking sarili na maging maayos, dapat kong punuin ang aking isip nang mga bagong ala ala. Dapat ko yung gawin para hindi ako mabalisa. Para hindi ako lubos na mag alala. Nakatulong nang malaki ang aking paglalakad sa paligid kaninang umaga. Nakita ko ang isang bahagi nang lugar na kung nasaan ako ngayon na hindi ko pa nakikita. Aking natunghayan ang patuloy na pag agos nang buhay! Iyon din ang aking gagawin.

Page 296

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s