CHAPTER THE SEVENTH

Gulay

In Mga patutchada nang aking pusong naiimbiyerna on Abril 9, 2015 at 11:36 umaga

image

Day 99

Magtagal tagal na rin akong hindi nakakakain nang maayos. Simula nang umalis kami sa Project 4 ay puro na lang Fast food, Tapsilog, Pancit Canton, Pancit Bihon, Pancit Palabok, Mang Inasal, Pagkaing Pantry, Pagkaing Family Mart, at Pagkaing Karinderia ang meal ko. No wonder, madalas ay sira ang aking tiyan!

Hirap akong nakahanap nang maayos na makakainan dito sa paligid. Just when I thought I found a good one, bigla naman akong natabangan kasi madamot sila! Miski customer ka mismo ay parang hirap na hirap silang mag bigay nang inuming tubig. One glass of water lang per meal! Kahindikhindik! Dapat daw kasi umorder nang soft drinks! Ayan na!

Kapag nagkaroon talaga ako nang pagkakataon, gusto ko kumain nang gulay! Maraming maraming gulay! Chopsuey na may young corn at maraming sahog na atay at balunbalunan! Pinakbet na maraming baboy at kalabasa! Munggo na may tinapa, alugbati, at toppings na Chicharon! Ginisang upo! Adobong sitaw! Tortang talong! At pati nilagang okra na isasawsaw sa Bagoong na padas na may kalamansi papatulan ko!

Gusto kong kumain ng kumain! Lalo na ngayong sobrang stress ako sa trabaho!

Page 297

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s