CHAPTER THE SEVENTH

Abundia Orozco

In Mga panayam nang aking pusong nakikipag kilala on Abril 13, 2015 at 1:35 hapon

image

Day 103

Pabalik na sana ako nang bahay mula sa pag iikot ikot sa Market Avenue nitong umaga nang naisipang kong dumaan muna sa Pasig Central Park para makapag pahangin at makapag pahinga.

Pagdating ko sa nasabing lugar ay agad akong naghanap nang mauupuan. Dahil maaga pa at karamihan nang mga naanduon ay pag eehersisyo talaga ang sadya ay may napuwestuhan naman ako kaagad. Mula sa kung saan ako naka upo ay tanaw ko ang mga nag jo-jogging. Inilabas ko ang aking cellphone at nagsimulang kumuha nang larawan.

May nakita rin akong isang lalaking naka suot nang Barong Tagalog na abala sa pag a-adjust nang oras sa  kanyang relo, hindi ko pinalampas ang pagkakataong makuhanan siya ng litrato. Kinunan ko rin nang larawan ang dalawang matandang lalaki na naka upo sa ilalim nang shade nang malaking puno at abala sa pagkukuwentuhan.

Habang tumitingin tingin ako sa paligid at naghahanap nang mga interesanteng tagpo na puwede pang makuhanan nang larawan ay biglang may isang matandang babae na kumausap sa akin. Hindi siya agad nagpakilala pero nagtanong siya kung puwede raw bang magparehistro bilang botante nang Pasig ang isang taong mag dadalawang taon nang naghahanap buhay sa lugar na ito. Humingi ako nang paumanhin na hindi ko alam ang sagot sapagkat ako rin ay dayo rin lang dito.

Nagpatuloy sa pag kuwento ang naturang babae. Halata sa mga ginagamit niyang mga salita na may laman ang kanyang isip. May malinaw siyang opinyon tungkol sa mga tiwaling Opisyal ng Gobyerno, mga mapanlinlang na tao, mga iskandalo sa showbiz, at mga karelasyong mapanloko!

Aaminin kong pinag isipan ko nang masama ang kumakausap sa akin. Inisip ko kung nasa matinong kaisipan ba siya. Inisip ko rin na baka may masama siyang balak. Kaya naman hanggat maaari at hindi ko siya tinitignan sa mata. At siniguro ko rin na safe ang aking wallet at phone.

Dahil hindi naman ako nag aapurang umuwi ay nagpatuloy lang ako sa pakikinig. Kalaunan ay nabanggit niya na Abundia Orozco daw ang kanyang pangalan. Galing daw sa word na Abundance ang kanyang first name. Taga Taguig na daw siya ngayon pero dalawang taon daw siya rito nanirahan. Kasalukuyan ay tumutulong tulong daw siya sa mga tindera sa palengke at nang hihilot. Tubong Sorsogon daw siya at ex DH sa Lebanon. Niloko at iniwan nang asawa. Namatayan nang magulang, naubos ang naipong pera, at naging biktima nang Love Scam.

Muli, nag isip ako kung bakit niya iyon kinukuwento sa akin. Naghihintay ako nang salita or kilos niya na magbibigay sa akin nang hint sa kung ano talaga ang kanyang pakay.

After niyang ikuwento ang tungkol sa buhay niya ay ibinahagi rin niya sa akin ang kuwento tungkol sa kung saan nag mula ang mga Tulfo Brothers, kung paano naging Senador si Robert Barbers, kung paano magpulasan ang mga illegal vendors sa Palengke kapag may raid, kung bakit itinumba yung isang Pulis Pasig, kung paano naging US Citizen yung may ari nang bakery sa probinsiya nila, kung gaano katanga si Benigo Simeon, kung bakit ayaw na daw manirahan sa Pilipinas ni Manny Pacquiao, kung gaano ka corrupt si Binay, at kung bakit kaawa awa ang mga Street Sweeper!

Nang mapansin kong medyo papalapit na sa kung saan kami naka upo ang sinag nang araw ay tumayo na ako at may itinanong tungkol sa mga Street Sweepers nang Pasig. Ang dinig yata ni Ate ay nag hahanap ako nang CR. Kaya sabi niya ay sa loob daw nang City Hall meron. Hindi ko na kinontra ang kanyang sinabi.

Nag offer siya na sasamahan daw niya ako since siya rin daw ay kailangan na ring mag banyo. Then ako raw ay kanyang ito-tour sa loob nang Munisipyo. True enough, inilibot nga niya ako sa loob. Pinakita niya yung Grocery, yung Canteen, at yung nga waiting area. Saglit kaming umupo sa isang bahagi nang waiting area. Nanuod nang palabas sa TV. Pinagtuunan ko naman ng pansin yung nag fa-flash na project and activities nang Munisipyo sa screen.

Bandang alas nueve na nang mag paalam ako sa kanya. Sabi ko ay ta-try kong bumalik ulit. Sabi niya ay mag stay muna daw siya duon at kung babalik ako ay duon ko rin lang siya maaabutan. Madalas daw siya duon. Lalo na kung gusto niyang mag libang.

Page 301

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s