CHAPTER THE SEVENTH

Rex

In Mga pagpuri nang aking pusong humahanga on Abril 15, 2015 at 5:55 hapon

image

Day 105

Mula nuong umalis kami sa Project 4 over a month ago, never pa ulit akong nakapagpa salon. Until today!

Actually, matagal ko na talagang binabalak magpaka gupit, magpa kulay ng buhok, at magpa linis nang kuko pero laging walang time or kulang sa budget, at kung meron man nuong dalawang nabanggit ay hindi ko naman alam pa kung sanang salon ako pupunta.

Finally, nagkaroon ako nang time at budget kanina. And a few days ago, may na-ispatan akong salon sa may Rotonda na mukhang very promising naman! Kaya hindi na ako nagpa pigil pa! Pumunta na ako kaagad duon after kong makipagtuos sa care taker nang bahay tungkol sa bill nang kuryente namin!

Anyway, Lito Salon ang name nung place. Nasa Rotonda – Kapasigan lang siya. A few steps away lang pagbaba nang tulay. Katabi nang Best Friends at katapat nang Batangas Panciteria!

Medyo nanibago ako pagpasok ko nang salon. Ang dami kasing staff. Nasanay ako sa Artista Salon sa Project 4 na may isang Hairdresser at dalawang Manicurista lang!

Lito Salon has around 4 Senior Hairstylists with around 4 Junior Hairdressers and around 8 Manicurists. Then of course, there is 1 Cashier.

I was assigned to a Senior Hairstylist na medyo hindi very congenial. Although very efficient naman siya. After ko sabihin sa kanya ang mga gusto kong mangyari sa aking buhok ay tuloy tuloy naman siya sa pag tatrabaho. Ginupitan niya ako then kasunod naman ang pag kulay. Walang usap usap. Again, baka nasanay lang talaga ako sa Artista Salon.

After ko magupitan at makulayan ay nagpalinis na ako nang kuko. At dahil kulang ang budget para sa pagpapa foot spa ay nakuntento na muna ako sa pedicure. I was assigned to a Manicurist na mukhang bagito. I heard his colleague called him Rex, so I assume na yung na nga ang name niya.

Dahil na rin sa nauna kong experience sa Hairstylist na hindi man lang nag effort na makipag kuwentuhan, hindi ko na rin tinangkang usisain pa si Rex. During the whole duration of the pedicure session, twice lang niya ako kinausap. Nuong simula, nang tanungin niya ako kung gugupitan at pupudpurin ba ang kuko. And nuong patapos na, nang tanungin niya ako kung lalagyan daw ba ng colorless. And during the whole time habang nililinis niya ang aking kuko ay naka focus lang siya sa ginagawa niya!

I admire Rex sa attitude niya sa work! There was a brief moment while he was doing his job nang parang tinangka siyang i-bully nung isa pang Manikurista, pero hindi siya nagpa apekto. Infact, with a brave front sinabihan pa niya yung tao na tigilan siya. Then balik ulit siya sa ginagawa niya. Trabaho lang! Focus!

Nag enjoy din ako sa trabahong ginawa niya. I appreciate his effort. Kaya naman I rewarded him din. He deserves it. Babalikan ko siya!

By the way, that monstrous foot is mine!

Page 303

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s