CHAPTER THE SEVENTH

A Great Place

In Mga huni nang aking pusong maka kalikasan on Abril 19, 2015 at 11:25 umaga

image

Day 109

Sa wakas, matapos ang matinding paghahanap, ay narating ko rin ang sikat na sikat at pinag uusapang Rave Rainforest sa Barangay Maybunga Pasig City! Medyo may kalayuan nga lang talaga siya mula dito sa bahay sa Bambang pero sulit naman kapag nakarating ka na duon.

Actually, when I got to the place kanina, medyo na disappoint lang ako nang bahagyang bahagya kasi it was not as I expected! Ang akala ko kasi ay talagang gubat na gubat lang ang aking maaabutan! Yun kasi ang nabuo sa isip ko base sa mga kuwento at description sa akin nang mga kakilala ko. Now the lesson learned is: Huwag talaga dapat agad agad magpapaniwala lang sa mga sabi sabi! See it for yourself before you believe!

Anyway, what I saw instead was a man made recreational center and activity area na may Rainforest theme. May playground para sa mga bata, may park para sa mga matatanda, may garden, may zoo, may train, may zip line, may rock climbing area, may amphitheater, may lagoon, may swimming pool, may mga wishing fountains, may mga cottages, may mga puno, at may malawak na area kung saan puwede mag jogging at mag exercise ang mga tao.

Free naman ang entrance, pero may fee na kung gusto mo mapasok at ma explore mabuti yung zoo and garden, May bayad din kung gusto mo gumamit nang swimming po, mag zip line, or mag rock climbing! But ang maganda naman duon ay hindi rin naman siya gaanong kamahalan. Abot kaya pa rin naman ang halaga. Iba nga lang ang presyo per head kung ikaw ay residente nang Pasig or hindi. But, not bad naman!

Miski hindi tugma sa aking inaasahan, nag enjoy pa rin naman ako sa aking pagbisita sa Rave Rainforest! Nakaka relax yung place at siguradong tanggal ang BV mo kapag nag muni muni ka na sa alin mang sulok duon. A great place to be siya para sa mga mag partner, mag barkada, mag katrabaho, mag kapatid, mag ina, mag ama, at buong pamilya para mag bonding! It’s a great place din for someone unwell, like me!

Page 307

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s