CHAPTER THE SEVENTH

A Quite Place

In Mga istorya nang aking pusong kinilabutan on Abril 20, 2015 at 10:26 umaga

image

Day 110

Unang araw pa lang namin dito sa Pasig ay na-ispatan ko na kaagad ang Pasig Catholic Cemetery. Nasa likod siya nang Immaculate Conception Parish Church and along the highway lang kaya hindi puwedeng hindi ito makita nang sino mang on the way to the City Hall or the Mega Market. May mga Flower Shops din sa gilid nito kaya pansinin talaga ang location.

Ang totoo niyan, matagal ko na talagang gustong libutin sana ang loob nito at mag hanap nang maganda at interesanteng mga subjects para sa aking photo of the day. Alam ko kasi na maraming puwedeng makunan na larawan sa loob nang sementeryo. Hindi ko alam pero, I find cemeteries as a very enthralling place indeed! Napaka misteryoso niya at punong puno nang samu’t saring kuwento.

Minsan ko nang niyaya ang aking kaibigang si Rich Anne Lou Bacani, na alam kong kayang sakyan ang trip ko, na mag photoshoot sa sementeryo. Dito nga sana kami sa Pasig Catholic Cemetery kukuha nang mga larawan. Just as I expected, pumayag naman siya! She even sound excited. Kaya lang dahil sa schedule naming hindi magtagpo tagpo, hindi rin kami natuloy. So, nanatili na lang na isang pagnanais ang aking photoshoot sa loob nang nasabing himlayan.

Until finally, I got the chance to get inside Pasig Catholic Cemetery earlier today! Kagagaling ko lang sa pakikinig nang 5:00 AM Mass sa Immaculate Conception Parish Church nang mag decide ako na tuparin na isang matagal ko nang hangad! Ang makakuha nang mga larawan sa loob nang sementeryo!
Pagkapasok ko sa loob ay hindi na ako nag aksaya pa nang panahon. Agad akong nagikot at naghanap nang mga makukunan nang larawan. Una kong nakunan nang pictures ang mga Apartments nang mga yumaong bata o sanggol. Nasa isang bahagi sila nang sementeryo. Sama sama sila sa isang medyo kubli at madilim na lugar. Hindi ko rin pinalagpas ang pagkakataon na makunan nang larawan ang isa pang helera nang mga Apartments pero this time halatang para naman iyon sa mga may pang gastos.

Cemetery at patuloy na naghanap nang makukunan nang larawan. Medyo pang karaniwang lang ang aking mga nakikita. Then finally, I noticed this spot. How could I not have paid any attention to it when I first got in samantalang nasa may bungad lang siya! Oh well, I really fell in love with the Concepcion – Velasquez Mausoleum and quickly took a photo of it! And because of the story that it seems to hold, I decided that this is definitely my photo of the day.

Page 308

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s