CHAPTER THE SEVENTH

A Cold Place

In Mga pagsisiwalat nang aking pusong nagsisimula on Abril 21, 2015 at 2:08 hapon

image

Day 111

Hindi ko na hinintay pa ang tuluyang pag tirik nang haring araw at ang pag paparamdam nang bagsik nang matinding init nito, bandang alas siyete pa lang ay naglakad na ako papuntang Rotonda para maghanap nang bukas na Internet Shop!

Napadpad ako sa InGen Internet Cafe and Gaming Network na malapit lang sa may tulay at RCBC. Duon ako nag desisyong tumuloy sapagkat meron sila nang dalawang bagay na kailangan ko! Una ay ang Printing Service. At ang pangalawa ay ang Aircon!

Nag pa open time ako at wala pang ilang saglit ay pinaupo malapit sa counter. Gusto ko ang puwesto ko sapagkat damang dama ko ang lamig nang Aircon. Kitang kita ko rin ang lahat nang mga dumarating at umaalis. Mula sa kung nasaan ako ay tanaw ko rin ang highway at nasusubaybayan ko kung mainit ba o makulimlim sa labas.

Pagkaupong pagkaupo ko ay nag bukas ako kaagad nang Facebook. Naabutan kong naka online ang friend kong si Nicole. Agad ko siyang sinendan nang message. Ipinaalala ko sa kanya ang mga plano naming gawin this week. Saglit siyang tumugon nang seryoso sa aking mga sinabi. Pagkatapos nuon ay puro usapang lasing na ulit kami. Paulit ulit pero masaya.

Makalipas ang ilang saglit ay nag bukas naman ako nang YouTube. Gusto ko sanang mapanuod muli ang mga highlights nang Coronation Night nang Binibining Pilipinas na nuong March 15 pa naganap. Naghanap din ako nang mga interviews nila Pia Alonzo Wurtzbach at Janicel Lubina. In between each videos na pinapanuod ko ay sumisilay din ako nang mga larawan sa Instagram.

Saglit na naabala nang sunod sunod na pagdating nang Facebook Messages mula kay Giel at Bern ang panonood ko nang pagrampa ni Pia in her evening gown. Binalita nila sa akin ang mga kaganapan sa Sutherland Cubao. Queueing daw sila dahil iilan na lang ang natitirang nagtatawag. Marami na daw absent lately at may mga nawala at nawawala pa.

Lumipas pa ang ilang saglit ay nagsawa na rin ako sa Facebook, YouTube, at Instagram. Mininimize ko ang lahat nang mga windows at sa wakas ay pinagtuunan ko na nang pansin ang tunay na sadya ko sa Internet Shop! For the first time in many years ay gumawa ako nang Curriculum Vitae for Teacher! Ilang oras din ang aking ginugol sa pagbuo nito. Nang matapos ay nagsend agad ako nang email sa isang Paaralan dito sa Pasig with an attachment of my CV. Nagpaprint din ako nang dalawang kopya! Kakailanganin ko siya sa mga darating na araw.

Page 309

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s