CHAPTER THE SEVENTH

Lightscape

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Abril 22, 2015 at 8:55 umaga

image

Day 112

Pasado alas singko na nang magising ako kanina. Kumakalam ang aking sikmura. Gutom na gutom ako. Gusto ko nang mainit na goto. Agad akong naligo at nagbasta. Kailangan kong kumain.

Alam ko na kung saan ako makaka kain nang medyo masarap na goto. Nadiskubre ko yung place a few days ago habang nag ikot ako sa paligid. Maliit na kainan lang yung lugar. May sari saring pagkain sa umaga. Bukod sa Goto, meron ding Pancit Palabok, Malabon, Bihon, Canton, Mami, Sopas, at Rice Meals na may ulam na Chicken, Longganisa, Itlog, or Hotdog.

So, after ko makaligo ay duon na ang destinasyon ko. Maliwanag na pero hindi pa naman sobrang nakakapaso ang init nang araw. Tolerable pa naman ang maglakad sa kalsada. Hindi naman gaano kalayuan yung kainan pero kailangan kong dumaan sa medyo mataong lugar. Sanay naman ako makibagay kaya walang problema sa akin.

Pagkatapos nang ilang minutong paglalakad ay malapit na rin ako sa aking destinasyon. Pero, mula sa di kalayuan, natanaw kong parang sarado yata yung kainan. Naglakad pa ako nang bahagya para makita nang mabuti. Oo nga. Sarado nga sila ngayon. Sayang!

Naglakad ako pabalik. May nadaanan akong tindahan nang mga kakanin. May nadaanan din akong bakery. Natakam ako nang bahagya pero hindi naman iyon ang hinahanap nang panlasa ko. Gusto ko nang goto!

Nakarating ako sa Basketball Court nang Baranggay Bambang. May nakita akong isang maliit na tindahan sa gilid nang kalsada. May malaking kalderong nakapatong sa lamesa. Tinanong ko yung Matandang Tindera kung ano ang laman. Goto daw!

Nagising ang aking diwa. Natuwa ako! Agad kong tinignan yung laman nang malaking kaldero. Bigla akong nalungkot sa aking nakita. Kaunti na lang kasi yung laman. Pero sabi nung tindera ay kasya pa daw iyon para sa isang order. Ibibigay na daw niya sa akin yung lahat ng laman. Maaga daw naubos yung goto niya kasi bumili daw si Kapitan. Labingdalawang balot daw.

Sasandukin na sana nung Matandang Tindera yung goto nang nagdalawang isip ako. Sabi ko ay huwag na lang. Hindi ko na bibilhin. Mukhang bahagyang nalungkot yung tindera.

Pero imbes na umalis agad ay umupo muna ako sa bench na malapit duon sa tindahan. Napansin ko ang mga binatang ito na nagbabasketball. Mukhang nag e-enjoy sa paglalaro. Pero ilang saglit pa lang ang nakakalipas ay may dumating na isang Baranggay Official. Pinapatigil na ang laro nila. Nagtaka ako. Tinanong ko kung bakit. Sabi nung taga Baranggay, nakapuwesto na daw kasi yung sasakyan na Lightscape, at darating na rin daw yung mga taga GMA 7. Duon daw gaganapin ang Eat Bulaga ngayon kaya kailangan bakantehin na yung lugar.

Pagkatapos marinig ang paliwanag ay tumayo na ako, binalikan ko yung nagtitinda nang goto. Binili ko na yung natitira niyang paninda. Nang tignan ko ulit yung mga kabataang naglalaro nang basketball kanina ay wala narin sila.

Page 310

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s