CHAPTER THE SEVENTH

Ice Scramble

In Mga samut saring chika nang aking pusong naglilista on Abril 24, 2015 at 11:35 umaga

image

Day 114

Panay ang tulog ko lately. Miski anong init pa nang panahon ay talagang inaantok at nakakatulog ako. Kagigising ko pa lang, maya maya, inaantok na ulit ako. Bakit ang sarap matulog?

Kumain na ako nang maaga. Lechong Paksiw duon sa Karinderia nang Iglesia. Ayoko na kasing lumabas pa ulit ng bahay mamaya. Sobrang init na ulit kasi nang panahon. Grabe! Tagaktak ang pawis ko!

A few days ago, medyo kumulimlim at umambon nang bahagya dito sa Pasig. Nakatulong nang kaunti para medyo mabawasan ang init. May mga lugar daw sa Quezon City, Marikina, at Cainta na talagang bumuhos ang malakas na ulan. Nakaka inggit naman.

Wala parin akong natatanggap na reply mula duon sa Paaralan na sinendan ko nang CV nuong nakaraang araw. Ano kaya nangyari? Sana miski ano pa man and sagot nila ay mag reply man lang sila sa akin para alam ko ang mga susunod kong hakbang.

Nagdadalawang isip ako kung mag sa-submit din ba ako nang application letter duon sa isa pang Paaralan sa may Pasig Museum. Gustong gusto ko talaga pero tinatamad pa ako. Atsaka, parang hibdi pa maganda ang timing. Naghahanap at naghihintay pa ako ng sign.

Nag message sa akin si Bern kahapon, pinababalik daw ako sa Sutherland Cubao. 11:00 PM shift daw ang ibibigay sa akin. Kailangan ko lang daw mag commit. Sabi ko sige babalik ako sa Monday.

Nag message ulit si Bern kanina. Kailangan daw tonight na ako bumalik. Hindi na daw puwede sa Monday. 2 weeks na rin pala kasi akong wala. Mako-question na daw sila.

Gusto ko nang something na matamis at malamig! Yung papawi sa matinding init na aking nararadaman! Ice Scramble! Tama! Gusto ko nang Ice Scramble! Mga limang orders! Gusto ko yung maraming maraming powdered milk, umaapaw ang Hershey’s Chocolate, kulay pink at may kaunting marshmallows at sago! Ang sarap!

Page 312

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s