CHAPTER THE SEVENTH

Ihaw ihaw

In Mga paliwanag nang aking pusong nag i-eksplika on Abril 25, 2015 at 10:39 umaga

image

Day 115

Pumunta ako sa Sutherland Cubao kagabi. Asang asa ako na magiging okay ang lahat. Ang akala ko ay may magandang ending ang episode na ito. But, I was wrong! I was very wrong! Wala ni isa sa mga sinabi sa akin ni Bern ang totoo! Walang magaganap na pagbabalik, walang offer nang maayos na scheduled, walang commitment na pipirmahan, Wala!

Ang ending, hinainan pa ako nang non reg. Hindi na ako nagulat pa! I was deceived! I was made to believe na gustong gusto nila ako at nais nila akong pabalikin para lang magpakita ako ulit duon. Pero okay lang yun! I played along. Hindi masama ang loob ko. Hindi ko makuhang mainis kay Bern. Ang feeling ko kasi, maging siya man ay nagamit din. Baka wala rin siyang alam sa mga tunay na balak nang mga taga Sage sa Sutherland Cubao.

Oh well, lesson learned! Too good to be true din naman kasi yung kuwento. Imagine, ako na yung nawala nang dalawang linggo then habang pinagtatanggal na yung iba due to attendance and performance eh hahabulin pa ako? Bibigyan pa daw nang magandang schedule? Ang galing ko naman! Walang kapantay! Walang habas! Naisahan ako! Nadale ako nang false advertisement! Pero, again sabi ko nga, okay lang yun! Sutherland Cubao is not to be taken seriously anyway. Smile na lang and move on!

Pero, ito na talaga ang totoo! May masarap na tindahan ng Ihaw ihaw dito sa Bambang, Pasig! Just like most small time Ihaw ihaw stand dito sa Pinas, wala siyang pangalan. Pero you won’t miss it kapag binaybay mo na ang F. Manalo Street. Its just a few meters away from the Great Grains General Merchandise and right beside the Baranggay Outpost.

Mag asawa silang nag titinda dito. Si Ate ang nasa reception at kaha, then si Kuya naman ang nasa kitchen. Tandem sila! Partnership talaga! Minsan pa nga, kapag nalilito na si Ate sa pagsusukli, always to the rescue sa kanya si Kuya! How sweet! Mukhang these two is out to prove na meron parin naman talagang forever! Ayan na!

Anyway, must try yung Isaw Bilog and Tenga nila. Malinamnam yung lasa miski hindi na siya isawsaw pa sa special sawsawan nila na gawa naman sa purong suka na may sili at maraming sibuyas! Masarap din yung Isaw nang Manok. Pinaka favorite ko naman yung Atay. Okay din yung lasa ng Barbeque Laman. Although I have not tried, pero sabi ng Sister ko, masarap din daw yung Dugo!

Ang mas panalo pa nito ay yung presyo! Hindi mabigat sa bulsa! Sampung piso kada stick lang ang Isaw Bilog, Tenga, at Atay. Twelve Pesos naman ang Barbeque Laman. Then limang piso kada stick nang Isaw Manok and Dugo! Wonderful diba? Hindi na masama!

So, tara na dito sa Bambang, Pasig! Mag Ihaw ihaw na tayo.

Page 313

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s