CHAPTER THE SEVENTH

Beautiful People

In Mga akda nang aking estudyanteng mahusay on Abril 26, 2015 at 7:43 umaga

image

Day 116

Ang call time na ibinigay for the Talent Competition ng Mr and Miss Malanday was 6:30 PM. I actually have no problem with that. Sanay na sanay akong dumating nang mas maaga pa sa napagusapan kapag may mga event na tulad nang nabanggit. Ang motto ko parati ay: There is no other time but ahead of time. Ayan na!

So anyway, pasado alas tres pa lang nang tanghali, kasagsagan nang init nang panahon, ay on the way to Marikina na ako. Pinilit kong hindi ma bad vibes sa sobrang alinsangan. At pinilit ko ring hindi na masira ang mood ko nung katabi kong driver na panay ang hithit buga nang sigarilyo at tila namamasyal sa pag mamaneho. Nag succeed naman ako. Nakarating ako nang Marikina nang matiwasay at around quarter to five.

Since I have more than enough time, kumain muna ako nang matigas na Japanese Siomai with Gulaman sa Bayan. Then kumain din ako nang maanghang na mani sa 7 11. Nang ma satisfy na ang cravings ko, sumakay na ako nang tricycle papuntang Malanday. Saglit lang yung biyahe. In less than 10 minutes ay nasa area na ako.

Dumiretso ako sa venue. Sa Malanday Elementary School. 5:30 PM na. An hour before the call time. Naabutan kong panay ang sound check nung team ni Sam Ferriols. May mga naabutan na rin akong ilang taong paikot ikot sa paligid. Pero, wala akong naabutan miski sino man sa mga organizers. Umupo ako sa isa sa mga upuan. Naghintay. Naghulas. Naghintay nang matagal. Nabigo.

I decided na pumunta muna sa bahay ni Miss Piper. Hindi ko siya naabutan duon. Sister at pamangkin lang niya yung nasa bahay. Nakipag kuwentuhan ako saglit. Nang mag 6:00 PM na bumalik ako sa venue. Wala parin akong nadatnang organizer. Yung mga tao na nasa sounds parin lang ang naanduon. I was trying to stay real calm at this point.

Lumabas ulit ako sa venue. Nag relax. Nag send nang message Kay Miss Piper asking kung ano na nagaganap. Walang reply. Kumain muna ako nang chicken wings and chicken neck. Uminom nang Sprite na may yelo na naka lagay sa mangkok. Nanuod nang parada nang mga kandidata sa Miss Gay. Bumalik sa venue. 6:30 PM na. Wala parin!

Bumalik ako sa bahay nila Miss Piper. Finally naabutan ko siya duon. Nag papa make up. Relax na relax. Nagkasalisi daw kami. I kept quiet. Nanghingi na lang ako nang alcohol at pulbo. Binigyan ako nang cologne.

Half past 7 PM na nang bumalik kami sa venue. Mas marami nang tao. Sinalubong kami nung Presidente nang organization. Pinapa escortan na kami agad sa upuan nang mga judges. Ma meet ko rin yung isa pang hurado. Nagkuwentuhan kami.

May mga kalahating oras ulit kaming naghintay bago dumating yung isang judge na Kagawad daw nang Marikina. Then balik hintayan ulit nang mga halos isang oras bago sa wakas ay magsimula na yung program! So, yung 6:30 PM na call time ay nauwi sa quarter to 9. What can you say?

Naging mabilis naman yung phasing ng Talent Competition. Naaliw din naman ako sa ginampanan kong role. I gave good scores to those candidates na talagang dama yung pinakita nilang presentation. My favorites are the two who delivered a Declamation piece and who gave a Musical number. Marami din namamg worthy honorable mentions like the one who sang an original piece and the one who performed a Hawaiian dance.

Natapos naman ng maayos yung Talent Competition. Despite some disappointments and set backs, all’s well that ends well. It paid that I stayed calm. Lesson din for me na never set the standards too high. Talagang kanya kanyang pamamaraan yan! And these two Beautiful People knows exactly what I mean! Teatro Centenario Alumni. Tough people! Kelan ang susunod na Goto Adventure?

Page 314

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s