CHAPTER THE SEVENTH

Waiting Patiently

In Mga pangarap nang aking pusong umaasa on Abril 27, 2015 at 8:11 umaga

image

Day 117

Hindi ko na maalala kung anong oras ako eksaktong nagising kanina. Pero ang alam ko, panay parin ang tulog ko. Sa tuwing magkakaroon nang pagkakataon ay talagang maglalatag na ako agad ng aking higaan at matutulog! Deadma na sa init.

Ang naaalala ko lang, ang unang pumasok sa aking isip pagkagising ko ay ang banlawan ang lahat nang mga damit na aking binabad. Then, pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na this is going to be a good day. Pinipilit ko ring minotivate ang sarili ko na tumuloy na sa pag sa-submit ng CV duon sa isa pang Paaralan na malapit sa Pasig Museum. Ipinaalala ko rin sa aking sarili na kada araw na lumilipas ay pabawas na ng pabawas ang natitira ko pang salapi.

Wala pang isang oras ang aking ginugol sa pagbabanlaw at pagsasampay nang aking mga damit. Pagkatapos ay agad din naman akong nag ayos para lumabas nang bahay at para mag withdraw. Kailangan ko na rin kasi kumain. Alas tres pa nang hapon kahapon ang huling kain ko. Gutom na ako.

Sa RCBC Caruncho Branch ako nag tungo. I have three reasons kung bakit duon ako nag decide na mag withdraw. Number one, para madaanan ko yung place kung saan ko nakita yung job posting for teachers at maconfirm kung yun din ba yung building na binabanggit sa Ad kung saan pagsasubmitan ng CV. Number two, may malapit na 7 11 duon at kailangan kong magpa e load. And Number 3, since nagtitipid na ako, balak kong duon na sa mumurahing Paresan at Mamihan kumain.

Ang ending: confirmed! Yun na nga ang building na nakasaad sa karatula, nakapagpa e load naman ako nang halagang singkuwenta pesos sa 7 11, at duon nga ako sa Paresan at Mamihan na nasa gilid ng McDonald’s kumain. Mission accomplished! All I need to do now is to really motivate myself to continue taking the steps towards the resumption of a dream placed on hold. I must do this! I’ve waited long enough.

Page 315

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s