CHAPTER THE SEVENTH

Stranded

In Mga sigaw nang aking pusong makabayan on Abril 30, 2015 at 10:52 umaga

image

Day 120

Excited ako na gamitin yung bago naming mga gamit sa kusina kaya umaga pa lang ay pumunta na ako sa palengke para mamili nang mga rekado para sa Tinolang Tahong! Bago pa umalis nang bahay ay nakapag saing na ako. I was so excited! Unang una, matagal ko na talagang gusto kumain nang tahong na may mainit na sabaw! Pangalawa, miss na miss ko na rin ang pagluluto!

As usual, nilakad ko lang mula sa bahay papunta sa palengke. Hindi pa naman din gaano tirik ang haring araw kaya maginhawa pa ang maglakad!

Nang makalampas na ako sa Kapilya ng Iglesia ni Cristo at nasa bandang City Hall na ay nagulat ako nang maabutan ko ang maraming taong nagkalat sa kalye. Yung iba sa kanila ay nasa gitna na mismo nang kalsada. Napansin ko rin agad na halos walang dumadaan na sasakyan. Akala ko naman ay normal na ang ganung eksena sa umaga. Nakaramdam ako nang awa para sa mga pasahero!

Lalo tuloy akong nag dalawang isip kung gusto ko ba talagang maging empleyado ulit sa Day Shift. Sa tagal ko rin kasi na nag Call Center ay medyo hindi na rin ako sanay na mahirapan sa pag sakay sa umaga! I’m sure hindi kakayanin nang mood ko ang ganitong tagpo bago pumasok! Lalo na sa umaga!

Anyway, nakapamalengke naman ako nang maayos. Nabili ko naman ang lahat nang dapat kong bilhin. Feeling ko nga ay talagang nakamura pa ako kung magluluto na lang kesa sa kumain sa labas araw araw.

Nilakad ko ulit mula palengke pabalik sa bahay. Hindi na ako nagulat pa nang maaabutan kong halos dumoble na ang dami nuong mga pasaherong walang masakyan. Muli, akala ko ay normal lang ang ganung tagpo.

Agad kong pinrepare ang mga pinamili ko para masimulan ko na ang pagluluto. Sa kalagitnaan nang aking pag aayos ay dumating ang sister ko. Binanggit niya yung tungkol sa dami nang taong nasa kalsada. Stranded nga daw ang mga tao, kasi sa SM MegaMall pa lang, ayaw na daw magsakay nang mga FX Drivers kasi may aksidente daw sa C5 kaya walang madaanan.

Page 318

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s