CHAPTER THE SEVENTH

F Manalo Street

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Mayo 3, 2015 at 5:01 hapon

image

Day 123

Hindi ko talaga nakahiligan ang sumubaybay, pumusta, magkomentaryo, at manuod nang Boxing kaya naman naging normal na araw lang ito para sa akin.

Sobrang pangkaraniwan na araw lang kaya pasado ala una na nang tanghali nang bumangon ako at mag gayak papuntang Palengke para mamili nang pangtanghalian na pang hapunan na rin.

For most Pinoys however, this is not just any ordinary day! Ngayon araw kasi na ito ginanap ang inasahan nang marami na Fight of the Century! Ramdam na ramdam ko ang pagka seryoso nang karamihan sa labanang Pacquiao vs Mayweather paglabas ko pa lang nang bahay! Halos walang tao sa kalsada! Halos walang sasakyan! Walang traffic! At ang dating sobrang busy na F Manalo Street sa Pasig City, ito at napaka luwag!

Kasagsagan nang labanan nang nagsimula akong maglakad papuntang Palengke. Makulimlim ang langit . Pagdating sa may City Hall, saglit akong umupo sa may Garden. May nakita akong ilang tagpo na worth taking a photo of. Kinunan ko nang larawan. Maya maya pa ay nagsimula nang umambon. Dali dali akong nagtungo sa mahabang overpass.

Nasa taas na ako nang overpass at nag lalakad na papuntang Pasig Mega Market nang mapansin kong may tatlong teenagers na lalaki ang sumusunod sa akin. Nakita ko na sila duon sa may garden. Nag offer yung pinaka matangkad sa tatlo na ihahatid na ako hanggang sa kung saan ako papunta. May payong kasi siyang dala, ako wala!

Ang drama nila ay may iniiwasan daw silang dalawang lalaki na isinasama daw sila sa kung saan para manuod nang Boxing. Ayaw daw nilang sumama. Then tinanong na ako nung binata kung saan ako nakatira, sino kasama ko, saan ako papunta, at kung may kalakal daw ba ako sa bahay. I gave a fictitious answer.

Mapilit at makulit yung bagets. Biglang nag dialog siya na kailangan daw kasi niya nang pera dahil may swimming sila bukas. Bigla naging malinaw sa akin ang lahat.

Hindi naman ako interesado sa kung ano man ang balak niya kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad at pagkuha nang larawan. Marami akong nakunan na picture nang kapaligiran! Maganda pala sa larawan ang mundo kapag basa nang ulan!

Anyway, ang ending, nagpalitan na lang kami nang number nung bagets. Nanghingi siya nang dalawang piso. Binigyan ko nang lima. Tumalikod ako at nagpatuloy sa paglalakad papuntang Palengke. Tumalikod na rin sila at naglakad pabalik kung saan kami nanggaling.

Pagdating nang Palengke, usap usapan na ang pagkatalo ni Manny Pacquiao! Kinonfirm sa akin nung Tindera na binilhan ko nang bawang na si Floyd Mayweather nga daw ang nanalo via a unanimous decision!

Page 321

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s